Liza Dino
Chair Liza tinutukan ang Luna Awards!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

Congratulations sa Luna Awards na nagbigay ng mga parangal noong nakaraang Sabado nang gabi.

Talagang hinintay ang Luna Awards na pinagpaguran nang husto ni Film Development Council of the PhilippinesChair Liza Dino at directed by Ice Seguerra na pinuri dahil maganda ang takbo at hindi boring ang direksyon niya sa Luna Awards.

Very hands on si Chair Liza sa mga ginagawa ng department niya at hindi matatawaran ang kanyang energy na walang kapaguran.

Congrats sa mga nagwagi like Mother Lily Monteverde and Chito Roño. Maganda rin ang line up ng winners sa acting, sina Da­niel Padilla, Glaiza de Castro, Daria Ramirez.

Karapat-dapat din si Nova Villa sa exemplary achievement award niya dahil sa kanyang malaking kontribusyon sa showbiz. Chair Liza, a job well done indeed.

SPEEd nauna nang mag-party

At least ang SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) may definite date sa awards night at Christmas party nila Salve.

Basta December 1, ang unang araw ng December ang party ng SPEEd ang hinihintay ng lahat para umpisahan ang Christmas season.

Bongga ha, in such a short time, nagawa ng SPEEd na maging isang organization na may clout agad sa showbiz.

Hinihintay na rin ang awards na ibinibigay nila at isa nang credible na samahan na tinitingala ng lahat. Congrats SPEEd and more years to come.

Anne panay pa ang travel!

Sa lahat ng mga nagbubuntis for the first time, si Anne Curtis ang hindi nakikitaan ng pagod.

Kahit five months pregnant na si Anne sa panganay nila ni Erwan Heussaff, rampa pa rin siya nang rampa.

Nagpunta sila ni Erwan sa Tasmania para sa kasal ng kanyang pinsan at mula sa Tasmania, bumiyahe ang mag-asawa sa Kyoto, Japan para sa kasal nina Vhong Navarro at Tanya Bautista.

Tagtag na tagtag ang katawan ni Anne kaya sa palagay ko, hindi siya mahihirapan sa panganganak sa March 2020.

Kahit buntis, parang ratsada ang schedule ni Anne ngayong December dahil sa It’s Showtime at sa pelikula na ipino-promote nila ni Vice Ganda, ang The Mall, The Merrier na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival.

LIZA DINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with