^

PSN Showbiz

Pops bilib pa rin sa karisma ni Martin

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pops bilib pa rin sa karisma ni Martin
Pops

Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga nina Pops Fernandez at Martin Nievera dahil muling magkakasama ang dalawa sa isang concert.

Pangungunahan ng dating mag-asawa ang The Royal Affair: 2020 New Year’s Eve Countdown na gaganapin sa Solaire.

Para kay Pops ay hindi pa rin talaga nawawala ang karisma ni Martin sa pagiging Concert King. “I always say this, iisa lang ang Martin Nievera. I keep saying this all the time. Iisa lang ang boses ng Martin Nievera and I think that’s the reason why Martin is still there. When you hear that voice, you’d say, ‘Uy! Si Martin ‘yan.’ It’s very distinct and there’s only one voice like that,” nakangiting pahayag ni Pops.

Kahit may kanya-kanya nang buhay sina Martin at Pops at nananitili naman ang pagiging magkaibigan ng dating mag-asawa. Hindi pa rin talaga nawawala ang kilig at tuksuhan sa tuwing nagtatanghal na magkasama ang dalawa. “I think there will always be that chemistry and always that some sort of magic and it just happens when we’re both on stage. There’s always magic onstage na maski hindi na kami okay ay nagiging okay kami because we’re actually doing something with a purpose, ‘yung mag-perform together,” paglalahad ng Concert Queen.

Dimples, nanalong best supporting actress sa Singapore

Nakatakdang pumunta ni Dimples Romana sa Singapore dahil sa pagkilala sa kanyang karakter bilang si Daniela Mondragon sa teleseryeng Kadenang Ginto ng Asian Creative Academy Awards. 

Gaganapin ang awar­ding ceremony sa December 6. Malaki ang pasasalamat ng aktres sa pamunuan ng Dreamscape Entertainment dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan. “Dreamscape had been very, very good to me. I’m just very glad na maibabalik ko sa kanila ‘yung tiwala na binigay nila sa akin. Sa Singapore nanalo po ako ng regional for Supporting Actress for Kadenang Ginto,” bungad ni Dimples.

Abut-abot ang pasasalamat ng cha­racter actress sa mga tagahanga na patuloy na sumusubaybay sa kanilang programa.

Para kay Dimples ay lalo pa niyang gagalingan ang bawat pagganap na kanyang ginagawa sa telebisyon man o pelikula.

“It feels great of course because it is an international award and ang maganda doon, per region may winners na sila. Meaning for Philippines, ikaw na agad ang panalo dito, gano’n sila. Doon man lang maibalik ko ang tiwala na ibinigay nila sa akin,” paglalahad ng aktres.

Kabilang din si Dimples sa pelikulang The Mall, The Merrier na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2019 ngayong Kapaskuhan. Pinagbibidahan ang naturang proyekto nina Vice Ganda at Anne Curtis. (Reports from JCC)

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with