Hipon Girl kinabog si Julia?!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

Epekto ng ‘ghosting?’

Hindi makapaniwala ang mga taga-Magpakailanman nang kabugin nila sa rating ang Maalaala Mo Kaya nung nakaraang Sabado, November 30.

Tampok sa episode na iyon ng Magpakailanman ang Dubai and I na pinagbidahan ni Herlene Budol na mas kilalang si Hipon girl ng Wowowin.

Hindi talaga ito inaakala ng production ng Magpakailanman dahil si Julia Barretto ang bida sa MMK episode nila last Saturday, at bale pagbabalik na rin niya iyan pagtapos niyang mawala nang matagal-tagal dahil pinag-usapang iskandalo ng pamilya.

Kaya nga napapag-usapan kung may epekto ba ang gulo ng pamilya nila sa pinagbidahan niyang episode .

Mukhang inaabangan lang ng televie­wers ang opening ng SEA Games na live na napanood sa ABS-CBN 2, pagkatapos nun, lumipat na ang karamihan sa GMA-7 para panoorin ang Magpakailanman ni Hipon girl.

Nora madalas atakihin ng sakit sa taping…

Second taping day na kahapon ang bagong drama series ng GMA-7 na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Tuwang-tuwa ang mga staff dahil ang gaan daw katrabaho ng mga artistang involved.

Sina Nora Aunor at Mylene Dizon pa lang daw ang madalas na kinukunan at wala yung mga younger generation na sina Kyline Alcantara at Yasser Marta.

Sobrang excitement at kaba raw ang nararamdaman ng dalawa dahil bukod sa ididirek sila ni direk Laurice Guillen, si Nora pa ang makaka-eksena nila.

“Actually, nung first time ko pong nakita si Ate Guy sa storycon, nakasabay ko po siya sa elevator. So parang, naiiyak ako nang sobra,” bulalas ni Kyline nang nakatsikahan namin sa Christmas party ng grupong SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) nung isang gabi.

Hindi rin alam ni Yasser kung ano ang nararamdaman niya ngayong nabigyan siya ng magandang break dito sa Bilangin…

Minor role lang ang naibigay sa kanya sa Love You Two, pero dito sa Bilangin ay ka-partner na niya si Kyline. Ito yung pinakamalaking break na natanggap ko talaga sa buong buhay ko. So, pagbubutihin  ko po.

“Nakaka-pressure lang pero iyung pressure naman ay magagamit natin para maipakita natin ang galing di ba?” pahayag ni Yasser.

Pero malamang na mas lalo silang ma-pressure kapag si Nora na ang kaeksena nila.

Bilib na bilib sila kay Nora na kahit minsang may sakit pa raw ito, pero kapag nakasalang na, ang galing daw talaga na kabisadung-kabisado raw ang mga linya kahit mahaba pa.

Iniingatan lang daw nila ang original superstar dahil lagi raw itong inaatake ng asthma.

Medyo sakitin lang daw talaga si Ate Guy.

Kaya naman inspired din daw si direk Laurice dito sa Bilangin…kaya ang gaganda raw ng mga eksenang ini-execute niya.

Early next year na raw mapapanood sa GMA itong Bilangin ang Bituin sa Langit na hindi pa sila sure kung pang-primetime sa gabi o sa hapon.

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with