^

PSN Showbiz

Juday nagluluto ng adobo nang tawaging best actress sa Cairo Filmfest!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Juday nagluluto ng adobo nang tawaging best actress  sa Cairo Filmfest!
Juday

Pabalik na nga sina Allen Dizon mula Cairo, Egypt na kung saan siya ang nag-represent ng pelikula nilang Mindanao na lumaban sa 41st Cairo International Film Festival.     

Ang pagkakaalam ko naunang dumating sa bansa ang manager niyang si Dennis Evangelista na siyang nagbitbit ng dalawang trophy na napanalunan ng pelikula.

Ang lead actress na si Judy Ann Santos ang nagwaging Best Actress, siya ang pumangalawa kay Nora Aunor mula sa pelikulang Flor Contemplacion na nanalo sa Cairo Filmfest.

Bukod kay Judy Ann, nanalo ring Best Artistic Contribution ang naturang pelikula na iginawad kay direk Brillante Mendoza.

Brillante

Sayang nga at wala sila roon para personal sana nilang natanggap ang kanilang award.

Si Allen ang dumalo kaya siya ang tumanggap ng naturang award.  

Ang sabi sa akin ni Dennis, kung matutuloy ang premiere night ng Mindanao sa December 9, doon nila ibibigay kay Judy Ann ang kanyang Best Actress trophy.

Mahaba ang pahayag ni Judy Ann na ipinost sa kanyang Instagram account kahapon.

“Yung nagising ako kaninang umaga ng gulat na gulat at takang-taka kung bakit ako kino-congratulate ng napakaraming kaibigan ko sa text...hindi naman ako buntis, hindi naman ako kasali sa SEA Games…hindi rin naman ako nanalo sa lotto. Mas higit pa pala sa lotto ang napanalunan ko!!!

“Gusto kong isiping nananaginip lang ako…baka hindi pa ako gising siguro? In denial pa ko sa simula…pero nung si direk Brillante na ang nag-text sa akin…unti unti na akong natauhan at naiyak…grabe!

 “Sa malamang habang tinatawag ang pangalan ko sa Egypt…kasalukuyan kong iniiskoba ang sahig ng kusina ko sa Angrydobo.”

Nagpasalamat si Judy Ann sa lahat na pagtitiyaga sa kanya ni direk Brillante at pati sa kanyang Launchpad family na sinasabi niyang malaking parte raw sila sa karangalang ito.

Siyempre hindi niya nakalimutang banggitin ang kanyang pamilya, mula sa Mommy niya at mga kapatid, sa tatlo niyang anak na sina Yohan, Lucho, Luna, at higit sa lahat sa asawa niyang si Ryan Agoncillo na laging nakasuporta raw sa lahat na ginagawa niya.

Ito naman talaga ang gusto ng aktres na kahit madalang lang ang mga proyektong ginagawa niya, gusto niya iyung kakaibang pelikula na hindi pa niya nagawa noon at natsa-challenge ang kanyang pagiging aktres.

Congatulations kay Judy Ann at sa lahat na bumubuo ng Mindanao na tiyak na malaking tulong  sa promo ng pelikula para sa nalalapit na MMFF 2019.

Dingdong at Antoinette nawala na ang ilangan

Tuwang-tuwa ang production staff ng Amazing Earth nang mag-guest dito si Antoinette Taus.

Siyempre, aware naman siguro tayo lahat kung ano ang namagitan kina Antoinette at sa host nito si Dingdong Dantes.

Pero sabi ng ilang taga-AE na nakatsikahan namin, napaka-professional daw nina Dingdong at Antoinette nang magkita sila sa taping nito.

In-interview ni Dingdong si Antoinette tungkol sa advocacy niya sa Environment. Bahagi rin kasi si Antoinette sa United Nations Sustainable Develop­ment Advocate, at sobrang active siya sa mga activities na may kinalaman sa ating kapaligiran.

Tinanong ako ng ilang staff kung ito ba ang first time na pagkikita ng dalawa magmula nang bumalik ng bansa si Antoinette, na hindi ko rin sigurado iyun.

Pero nakakatuwa raw silang panoorin, at ma­ayos daw ang interbyuhan nila dahil kering-keri ni Antoinette na pag-usapan ang topic nila sa environment, at ganundin si Dingdong.

 Kung hindi ako nagkamali, mamayang gabi na ito mapapanood sa Amazing Earth.

vuukle comment

ALLEN DIZON

AMAZING EARTH

ANTONETTE TAUS

CAIRO FILMFEST

DENNIS EVANGELISTA

DINGDONG DANTES

JUDY ANN SANTOS

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with