Boy araw-araw dumadalaw sa ina
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2019 - 12:00am

Seen : Pinalakpakan ng New Frontier Theater audience ang announcement ni Katrina Velarde na ito ang kakanta ng theme song ng Philippine adaptation ng Miracle In Cell No.7, ang official entry ng Viva Films sa 45th Metro Manila Film Festival. Nagpapasalamat si Katrina sa lahat ng mga tumangkilik sa SiKATi2, ang successful concert niya noong Biyernes ng gabi. 

Scene : Ipagdiriwang ni Katrina Velarde sa December 5 ang kanyang 25th birthday kaya binigyan siya ng cake at kinantahan ng birthday song sa concert niya.

Seen : Kahit anong busy ni Boy Abunda, araw-araw ang pagdalaw niya sa kanyang ina na naka-confine sa isang ospital sa Taguig City. Umiikot sa kanyang ina ang buong buhay ng King of Talk ng Pilipinas.

Scene : Kabilang si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment Inc. sa mga ninang sa kasal nina Vhong Navarro at Tanya Bautista. Ikinuwento ni Roselle na July 1, 2019 nang kausapin siya nina Vhong at Tanya para maging isa sa mga principal sponsor sa kasalan na naganap sa Kyoto, Japan noong November 28, 2019.

Seen :  Si Manila City Mayor Isko Moreno ang special guest sa coronation night ng Noble Queen of the Universe na magaganap ngayong gabi, December 1, sa Manila Hotel. Tatanggap din ng parangal sa naturang okasyon sina Imelda Papin, Ara Mina, Sanya Lopez at Gladys Reyes. Strong contenders sa 1st Noble Queen sina Patricia Javier at Maffi Papin, ang nag-iisang anak ni Imelda Papin.

Scene : Sixty four years-old  mula sa Las Vegas USA ang pinakamatanda sa 21-official candidates ng Noble Queen of the Universe  at sumali  siya dahil sa advocacy. 

BOY ABUNDA KATRINA VELARDE NEW FRONTIER THEATER REGAL ENTERTAINMENT INC ROSELLE MONTEVERDE VHONG NAVARRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with