Alden
Dyowa ng sikat na personalidad umayaw sa offer na kotse!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2019 - 12:00am

Gaano man kaganda ang kanyang hangarin, gaano man niya kamahal ang sikat niyang karelasyon ngayon, ay ayaw pa ring tantanan ng mga pagpuna at bira ang isang male personality.

Ang tingin pa rin sa kanya ng mas nakararami ay isang manggagamit. Ipinaglihi raw siya sa manggang hinog, use me in a sentence lang daw ang ginagawa niya sa sikat niyang karelasyon, pineperahan lang daw niya ito.

Kuwento ng aming source, “Du’n sa kuwento na nu’ng maospital ‘yung sikat na beki persona­lity, e, hindi na raw umaalis sa tabi niya ang guy. Inaalagaan daw niya ang beki.

“Naku, nakakaawa ang male personality sa mga posts, talagang minamaliit siya ng mga bashers, kahit daw inumin pa niya ang jingle nu’ng beki, e, gagawin niya, dahil nagkakapera naman siya!

“Wala talagang nakikitang positive sa kanya ang mga bashers, lahat-lahat, ibinabato against him! Nakakaawa naman ‘yung tao, sa totoo lang!” unang komento ng aming impormante.

May mga maligaya para sa sikat na beki personality, pero hindi maiaalis na meron ding mga nag-aalala, dahil baka kapag nakuha na ng lalaki ang kanyang gusto ay iwanan din niya ang beki.

Patuloy ng aming source, “’Yun lang talaga ang nakakapag-alala, madalas kasing ganu’n ang nangyayari sa mga beking nakikipagrelasyon. Baka nga naman isang araw, e, iwan din siyang nakanganga ng lalaki!

“Pera lang daw ang habol sa kanya nu’ng guy, gagawin daw niya ang lahat-lahat para lumalim ang love sa kanya ng ba­ding, para mas magiging madali na para sa kanya ang operation ipon-ipon lang habang may time!

“Sumusumpa na nga siya na mahal na mahal niya ang beki, pero iba pa rin ang pagtanggap du’n ng mas marami, nakakaawa na talaga siya sa pinasok niyang relasyon.

“Kahit kumikita naman siya, ang tingin ng mundo, e, galing lang sa beki ang pera niya. Wala siyang pupuntahan! Nakakaawa talaga ang guy na mabait pa naman,” kuwento uli ng aming kausap.

May nagkuwento na gusto siyang ibili ng bagong kotse ng kanyang karelasyon, pero siya mismo ang pumipigil, dahil siguradong mala­king isyu na naman ang ibubunga nu’n.

“Siya ang may ayaw, siya ang nagsasabi sa gay personality na huwag siyang ibili ng sasakyan, dahil siguradong bobombahin na naman siya ng mga upak sa social media.

“Siguro, e, ang pagtanda na lang nilang magkasama pa rin ang makagagamot sa mga pagdududa sa kanya. ‘Yun na lang, wala nang iba!” pagtatapos ng napapai­ling naming impormante.

Ubos!

Alden parang si Nora sa Himala

Text ng isang kaibigan naming nahuhumaling sa panonood ng The Gift ni Alden Richards, “Naku, hindi kaya maging Himala na ni Nora Aunor ang maging takbo ng kuwento ng serye ni Alden?”

Sa mga huling ekena kasi ng seryeng pinagbibidahan ng Pambansang Bae ay marami nang dumadayo sa kanilang bahay para magpagamot. Meron na ring mga nagpapahula.

Maraming beses na kasing nagaganap ang kanyang mga pangitain na dati’y pinagtatawanan lang. Ang pinakahuli ay ang pagkasunog ng isang ospital kung saan naka-confine ang kalaban niyang si Jared na nagpasabog mismo para ito makatakas nang hindi makulong.

Kahit saan ay pinagkukuwentuhan na ang mga eksena sa The Gift. May nawawalang kaga­mitan ang isang staff namin sa radyo, hindi nito makita-kita, kaya gusto raw nitong makipagkita kay Alden.

“Ang dami-dami na nating naghahanap, pero hindi pa rin natin makita ang gadget, magpapahawak na lang ako sa braso kay Sep, para makita niya kung sino ang kumuha!” hagalpakan ang lahat sa sinabi ng aming staff na lalaki na tutok na tutok din pala sa serye.

Ang mga kababaihan siyempre ay ang kaguwapuhan ni Alden ang palaging ikinukuwento, kung ganu’n daw kaguwapo ang makikita nilang bulag ay aampunin na lang nila, kesehodang sila pa ang gawing tungkod.

Senyal ng tagumpay ng isang palabas ang mga ganu’ng komento, ibig sabihi’y maraming nanonood at interesado sa serye ni Alden, dahil pati ang napakahabang commercial gap ay kinaiinipan na rin ngayon ng ating mga kababayan.

ALDEN RICHARDS NORA AUNOR PAMBANSANG BAE PERSONALIDAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with