_ngayon
^

PSN Showbiz

Luna awards mamimigay ng maraming award

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Luna awards mamimigay ng maraming award
Mother Lily

Mga award-winning na producer, direktor, aktor, cinematographer, screenwriter, editor, sound designer, musical scorer, at production designer ang magtitipun-tipon sa ika-37th Film Academy of the Philippines (FAP) Luna Awards Night ngayong gabi sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Kabilang sa mga batikang dadalo ang mga Special Awardee na sina Mother Lily Monteverde para sa Fernando Poe, Jr. (FPJ) Memorial Award at Nova Villa para sa Manuel de Leon Award for Exemplary Achievement.

Tiyak ding madaragdagan ang star power ng FAP Luna Awards Night dahil sa mga nominado at mga batikang presenter at dadalo rin ang mga tatanggap ng Sine Sandaan Luminaries: Production Companies of the Philippines pati na rin ang mga kinatawan ng mga yumaong direktor na sina Wenn Deramas at Soxie Topacio na gagawaran ng posthumous na Lamberto Avellana Memorial Award. Magiging host si Jon Santos at mga performer ang The Company, Frenchie Dy, Gian Magdangal, Sheila Valderrama-Martinez, Lara Maigue, at ang Dance Royalties na choreographed ni Dan Cabrera.  Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by its chairperson at CEO Liza Diño ang punong-abala sa magaganap na Luna Awards.    

MOTHER LILY MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with