^

PSN Showbiz

Karla ibang-iba ang aura, Daniel tanggap ang magiging step father

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Karla ibang-iba ang aura, Daniel tanggap ang magiging step father
Jam & Carla

Lantaran nang ipinaparada ngayon ni Karla Estrada ang kanyang bagong pag-ibig na si Jam Ignacio. Isinasama na niya ito sa malalayong biyahe ng kanilang show nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

May kuwentong lumabas na hindi boto sa lalaki ang mga anak ni Karla, partikular na si Daniel Padilla, pero hindi pala ‘yun totoo.

Para sa magkakapatid, kung saan maligaya ang kanilang ina ay du’n na rin sila, kaya malaya nang naipapakilala ni Karla ang bago niyang boyfriend.

Hiwalay sa asawa si Jam, may kambal na anak, sasandali pa lang silang magkakilala ni Karla ay nanligaw na ito agad sa singer-actress.

At buo ang tapang ni Jam, hindi nito niligawan si Karla sa kalye at sa bar, nagpunta ito sa bahay ng mag-iina at pormal na humarap sa pamilya ng singer-actress.

Tama lang namang unawain-tanggapin ni Daniel at ng kanyang mga kapatid ang bagong karelasyon ng kanilang ina. May karapatang lumigaya si Karla.

Saksi kami sa mga pagdurusa at sakripisyong pinagdaanan ni Karla, halos mamalimos na siya nu’ng mga panahong naglalakihan ang kanyang mga anak na walang-wala siyang mapagkukunan ng panggastos, nakikiusap siya nu’n na isama-sama siya sa mga provincial shows kahit barya-barya lang ang kanyang talent fee.

At ang lahat ng pagpapakapal ng mukhang ‘yun ay dahil sa kanyang mga anak. Napuputulan sila ng ilaw at tubig, pinapaypayan niya sina Daniel at JC nang halos magdamag, ipinangungutang niya ang matrikula ng mga ito.

Du’n pa lang ay sa pinagdaanang ‘yun ni Karla Estrada ay hindi na dapat ipagdamot ng kahit sino ang kanyang kaligayahan. May mga pagkakataon man na nagkamali siya sa pakikipagrelasyon ay sino ba naman ang sisigaw ngayon na ang lahat ng pakikipagmahalan ay perpekto?

Ibang-iba ang aura ngayon ni Karla, kulay rosas kasi ang kanyang paligid, hindi na ang kape na iniendorso nila ni Daniel ang dahilan ng bawat paggising niya sa umaga kundi si Jam Ignacio na.

Aktres walang pag-asang pakasalan ng boyfriend na kuripot at priority ang mag-ipon!

Nagkakaroon daw ng inggitan ngayon sa hanay ng mga artista dahil sa sunud-sunod na engagement at pagpapakasal ng maraming personalidad.

Naaalarma ang mga artistang matagal nang magkarelasyon pero hanggang ngayon ay wala pa ring planong humarap sa altar. Hindi nga naman kasi maiiwasan ang mga kantiyawan kung saan sila naaapektuhan.

Punumpuno ngayon ng latay ang buong katawan ng isang female personality dahil sa mga upak kontra sa kanya ng mga bashers at ng mga tagasuporta ng karelasyon niyang aktor na hindi boto sa kanya.

Nakakaawa ang aktres, talagang pinupuruhan siya ng mga bashers, bukod sa pagiging asyumera ay ilusyunada raw siya.

Kuwento ng isang source, “Kung bakit naman kasi inuunahan niya ang boyfriend niya! E, kung sa hindi pa ready ang lalaki, ano naman ang magagawa niya?

“Hanggang ngayon kasi, kahit pa anino lang ng proposal, e, wala pa rin siyang natatanggap mula sa guy! Kaya nga ang tanong ng marami, e, kung pakakasalan ba naman siya ng male personality?

“Paano kung hindi pala? Paano kung nagpaplano man ‘yung guy, e, hindi pa ngayon, dahil nag-iipon pa raw siya? Kahit ba sabik na sabik na ang mommy niya na magkaapo, ano naman ang magagawa nu’n kung wala pa talaga sa utak nu’ng male personality ang pagpapakasal?

“May magagawa ba ang ibang tao kung talagang malayo pa sa utak niya ang pagharap sa altar? Meron ba?” nakataas ang kilay na unang sultada ng aming impormante.

Paasa lang daw ang male personality sa kanyang girlfriend. Ang totoo raw ay wala pa talagang plano ang aktor na ihatid sa altar ang aktres na para sa iba ay sabik na sabik nang pakasalan ng male personality.

Nagbiro pa ang isang source, “Naku, may kakuriputan ang lalaking ‘yun, masinop siya sa pera, baka ‘yun ang nakapipigil sa kanya? Napakalaking budget nga naman ang kailangan sa kasalan, di ba?

“Baka calculator ang palagi niyang hawak, compute siya nang compute kung magkano ang ilalabas niyang datung kapag pinakasalan niya ang girl!

“Baka ipangnegosyo na lang niya ‘yun, hindi kaya ‘yun ang naiisip ng male personality? Isang araw lang na kaligayahan ang pagkakagastusan niya kapag nagpakasal sila, pero ang business na hilig niya, e, lalago pa!”  tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

 

vuukle comment

JAM IGNACIO

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with