^

PSN Showbiz

Vina self love ang priority!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vina self love ang priority!
Vina

Tatlong taon nang walang kasintahan si Vina Morales ngayon. Para sa aktres ay ang anak na si Ceanna na lamang ang kanyang dapat na pinagtutuunan ng panahon dahil lumalaki na rin ang bata. “Self love muna. I think you have to love yourself first before people could real­ly appreciate you and love you back. Self love muna bago magmahal ng kapwa mo, gano’n ‘yon eh. If you feel good about yourself, mas maraming positivity ang mang­yayari at pakikisama mo sa kapwa mo. So I guess love and respect for yourself are the first things that you need to have in your life,” makahulugang pahayag ni Vina.

Bukod sa regular na trabaho ay kabi-kabila rin ang biyayang natatanggap ng aktres ngayon kaya wala na raw siyang mahihiling pa sa buhay. “Nandiyan ang pamilya ko, ang anak ko. May trabaho ako, may business ako. So what more can I ask for di ba?’” giit niya.

Samantala, hindi pa rin natatapos ang mga kasong isinampa ni Vina laban sa ama ni Ceanna na si Cedric Lee. Umaasa pa rin ang aktres na magiging maayos ang lahat sa kabila ng kanyang mga pinagdaanang pagsubok. “May mga problema, may mga setback rin pero hindi ko na lang i-share sa inyo lahat ‘yon. Alam naman ng lahat ‘yon, na there are still court cases ongoing. But you know, God is always there. He protects us, and alam namin na everything will turn out on our side,” pagtatapos ng aktres.

Dimples

Dimples, walang pinipiling trabaho

Masayang-masaya si Dimples Romana dahil sa dami ng mga proyekto at biyayang kanyang natatanggap ngayon. Hindi raw inakala ng aktres na sa kanyang edad ay magmamarka sa mga manonood ang kanyang karakter bilang si Daniela Mondragon sa teleser­yeng Kadenang Ginto. “Hindi kasi ako gano’n, ever since ang goal ko lang naman sa pag-aartista ay ‘yung may trabaho ako, mayroon lang akong gagawing tele­serye. Gano’n lang naman ang gusto kong mang­yari sa karera ko. ‘Yung hindi lang ako mawala,” nakangiting pahayag ni Dimples.

Mula’t sapul ay hindi naging mapili ang maga­ling na aktres sa mga proyekto o karakter na ipinagkakatiwala sa kanya. Para kay Dimples ay kailangan lamang niyang galingan ang trabaho sa tuwing may ibinibigay sa aktres. “Bida, hindi bida, kontrabida, best friend, nanay. Wala akong pinipiling trabaho eh,” dagdag pa niya.

Proud na proud din si Dimples dahil isa na siya sa mga kinikilala bilang character actress sa pelikula at telebis­yon ngayon. Bukod dito ay kabi-kabila na rin ang product endorsements ng aktres sa kasalukuyan. “Happy ako kasi ‘yung mga pinto na nabubuksan hindi lang naman para sa akin ‘yon eh. Para sa lahat ng character actress ‘yon, na mayroon din silang dream na makapag-endorse in the future. Pagkatapos nito, ang dream ko ay marami pa ka­ming mga character actors na mabigyan ng chance, na mabigyan din ng light ang mga talents namin,” pagbabahagi ng aktres.   (Reports from JCC)

 

vuukle comment

DIMPLES ROMANA

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with