^

PSN Showbiz

Gazini kay Boy Abunda nag-training ng Q&A!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gazini kay Boy Abunda nag-training ng Q&A!
Gazini

Mapapanood dito sa atin sa December 9 ang Miss Universe 2019 na kung saan lalaban ang kandidata nating si Gazini Ganados.

Bago siya lumipad patungong Atlanta, Georgia, matinding training ang pinag­daanan na isa roon ay ang question and answer portion kay Kuya Boy Abunda na naikuwento sa amin ni Kuya Boy kahapon nang pumirma siya ng kontrata sa AMA Online Education bilang spokesperson dahil doon siya nag-doctorate.

Natawa nga si Kuya Boy na naalala raw niya nung huling araw ng training ni Gazini, nag-Angkas pa raw ito para hindi siya ma-late.

Ani Kuya Boy na tinatawag nilang Dr. Eugenio ‘Boy’ Abunda Jr.; “Bilang estudyante si Gazini Ganados ay napaka-diligent. Siya pa yung nagpa-follow up ng oras. Siya pa yung nag-follow up kung kailan ang next session. She’s a very attentive student.

“Nung umpisa tatanggapin ko, sabi ko kay Rodgil, bakit parang umaatras. Bakit parang napaka-shy. Iyun pala she’s overwhelmed na parang si Tito Boy kasi ang nagtuturo sa akin. Ang pumapasok talaga sa akin ay palaban. She’s a learner.”

Marami na palang na-train si Kuya Boy na mga beauty queen kung paano sumagot sa question and answer portion.

Ngayon ay sinisimulan na raw niya si Emma Tiglao na lalaban naman sa Miss Intercontinental.

Pero sa rami ng mga naturuan niya, bumilib siya kay Catriona Gray dahil talagang nagri-research daw ito at marami raw talaga siyang alam.

Si Pia Wurztbach naman daw napaka-street smart.  Wala raw itong inuurungang tanong, buong-buo ang loob.

“The thing that I tell them…kasi yung katalinuhan hindi mo minsan nami-measure. It’s difficult to stand on a stage and you’ll being judged by millions of people. It’s a scary environment,” sabi pa ni Kuya Boy.

Boy

King of talk magpa-planong magtayo ng school

Dahil sa rami ng mga tini-train ni Kuya Boy, pinag-iisipan daw niyang magtayo ng school on public speaking. “Simple lang na school. Maliit lang na parang Academy of the Arts. ‘Yung may public speaking, may acting…

“I’m talking to one of the foremost acting coach in this country. Ilang mga Artes ang tawag namin sa National Commission for Culture and the Arts.

“I’d like to put up my own school. Malay n’yo sa tulong ng AMA di ba? Pinapangarap ko pa lang muna,” saad ng King of Talk.

Papalit-palit na ng acting coach hunk actor bobo pa rin sa aktingan

Usap-usapan na pala ang hindi pa rin daw natututong umarte nitong hunk actor na isa sa mga bida sa isang panghapong drama series.

Dahil isa sa mga bida  madalas na natatalbugan daw ito ng co-actor niyang mestisong aktor.

Ang tsika sa amin, nakadalawang acting coach na raw ito pero ganun pa rin at hindi pa rin daw nababago ang pag-arte.

Minsan daw nagtataka na raw si acting coach kung may diperensya ba sa pagtuturo niya, kasi hindi pa rin daw natututo itong si hunk actor.

Hindi ko lang alam kung iba na naman ang acting coach niya.

vuukle comment

BOY ABUNDA

GAZINI GANADOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with