Tanya & Vhong
Vhong kasal na!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2019 - 12:00am

Seen: Naganap kahapon, November 28, ang kasal nina Vhong Navarro at Tanya Winona Bautista sa Kyoto, Japan. Sina Dra. Vicki Belo, Regal Entertainment Inc. producer Roselle Monteverde at ang direktor na si Olive Lamasan ang ilan sa mga popular personality na ninang sa kasal nina Vhong at Tanya.

Scene: Magaganap ngayong gabi. November 29, sa New Frontier Theater ang SiKati2, ang second major concert ni Katrina Velarde. Ang mga kanta na may kinalaman sa kanyang life journey ang mga aawitin ni Katrina na unang nagtanghal sa New Frontier Theater sa SiKATako, ang successful concert niya noong February 1. Si Regine Velasquez ang dream special guest ni Katrina dahil fan siya ng Asia’s Songbird pero walang katiyakan kung matutupad ngayong gabi ang kanyang pangarap.

Seen: Iba’t ibang pangalan ang ginagamit ng asawa ng isang sikat na sports personality dahil sa kanyang mga atraso na hindi pa nababayaran. Walang social media accounts ang asawa ng sports personality dahil iniiwasan nito na matunton ng mga pinagkakautangan niya ang kanyang kinaroroonan.

Scene: Ang payo ng Philippine National Police na iwasan muna ng mga motorista na dumaan bukas, November 30, sa northbound lane ng EDSA at NLEX dahil sa matinding trapiko na epekto ng opisyal na pag-uumpisa  ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena.

Seen: Lumitaw ang katotohanan na fake news ang karamihan sa mga report tungkol sa 30th SEA Games dahil nag-apologize na ang nagkalat ng mga balita na kikiam ang ipinakain sa mga atleta. Matitin­ding batikos ang tinatanggap ng mga pasimuno ng fake news dahil sa paninira nila sa sariling bansa at kapwa Pilipino.

Scene: Kasama si Vice Ganda, nagdiwang si Ion Perez ng kanyang 29th birthday sa Japan. Labing-apat na taon ang agwat ng mga edad ng dalawa dahil 43-years-old na si Vice Ganda.

VHONG NAVARRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with