Vice & Ion
Vice naiba ang buhay kay Ion
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2019 - 12:00am

Maraming kinilig sa napakatamis na pagbati ni Vice Ganda sa kanyang account nang magdiwang ng kaarawan ang kanyang pinakamamahal na si Ion Perez.

Isang dasal ‘yun ng pasasalamat kay Lord, sa wakas daw kasi ay dumating na sa kanyang buhay ang taong tunay na nagpapaligaya sa kanya na sinusuklian din niya naman ng pagmamahal, sana raw ay patibayin ni Lord ang kalooban ng binata para magkasama sila nang habambuhay.

Ikinumpara kasi ni Vice ang dati niyang buhay ngayon. Dati’y nakiki­pagrelasyon siya sa dilim, hindi siya ipinakikilala ng kanyang boyfriend, hindi tulad nga­yon na ipinagsisigawan pa nga sa buong mundo ni Ion Perez ang pagmamahal sa kanya.

Para nga naman siyang payaso nu’n na nagpapahalak­hak sa mga nanonood sa kanya, pero umiiyak naman sa lungkot ang kanyang puso, kapos na kapos siya sa kaligayahan.

Nagtatrabaho siya nang magdamag at maghapon, patang-pata ang kanyang katawan, pero sa halip na umuwi na ay nagyayaya pa siyang lumabas para lang maging masaya siya.

Ibang-iba na ang kanyang buhay ngayong nand’yan na si Kuya Escort. Trabaho-bahay na lang ang rutina ng kanyang buhay, hindi na niya kailangang maghanap pa ng kaligayahan sa labas, dahil magkasama na sila ng kanyang pinakamamahal.

Si Ion Perez na nga ang kabuuan ng lalaking matagal nang ipinagdarasal ni Vice Ganda. Hindi siya ikinahihiya, pinagmamalasakitan siya, ramdam na ramdam niya ang pagiging babae sa piling ni Ion.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Nandu’n ako sa hospital nu’ng magkasakit si Vice. Grabe ang pag-alaga sa kanya ni Ion, halos hindi na umaalis sa tabi niya, talagang inaalagaan siya!”

At marami pang kuwentong buhay na dahilan kung bakit para kay Vice Ganda ay biyaya sa kanyang buhay si Ion Perez.

At may karapatan siyang lumigaya at magmahal.

Aktres mas pinili ang raket sa stag party kesa taping

Nakakalokang-nakakagulat ang kuwentong inilantad ng isang source sa isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz. Tungkol ‘yun sa isang kilalang female personality na may matinding sideline.

Pa-sweet ang kanyang image, kung hindi mo siya kilala ay hindi ka maniniwala na marami pala siyang sideline kung saan napakalaki ng kanyang kinikita sa sasandaling panahon lang, walang-wala ‘yun sa kanyang itsura.

Kuwento ng source sa magkaka­grupo, “One time, e, tumawag siya sa production, hindi raw siya makapagte-taping, bagsak daw siya sa trangkaso. Natural, in-adjust ng staff ang script, ginamot ang mga eksenang nandu’n dapat sana siya.

“Tumakbo ang taping nang wala siya, akala ng buong staff ay totoong may trangkaso siya, pero sila mismo ang nakapagpatunay na nagdahilan lang pala ang female personality.

“Nagpa-book pala siya sa isang Boogie Wonderland, siya ang ginawang pangregalo sa isang ikakasal, isinilid siya sa kahon at ‘yun ang ipinang-surprise para sa groom.

“Nakakaloka! Kung bakit naman kaibigan pala ng isang staff ng show ang isa sa mga um-attend sa stag party. Du’n nila nalaman na ipinagpalit ng female personality ang taping niya sa mas malaking halagang ibinayad sa kanya sa party!

“At pinanindigan pa ng hitad ang pagkakasakit niya! Nu’ng tawagan siya ng staff ng production para kumustahin ang kanyang sitwasyon, e, sumagot ang girl sa boses na parang matindi talaga ang sakit niya!

“Medyo okey na raw siya, makakapag-taping na raw siya uli, magpapala­kas lang daw muna siya! Inis na inis ang staff, kundi pa nga naman niya alam na inilagay sa kahon ang girl para kunwari, e, siya ang birthday cake!

“Malaking datung kasi ang tinanggap niya du’n, may nakilala pa siyang executive ng isang company na naging azucarera de papa pa niya, talagang magaling ang female personality na ‘yun!” mahabang kuwento ng impormante.

At may pahabol pa ang aming source, “Maparaan talaga ang babaeng ‘yun! Marami siyang mina ng ginto na pinagkukunan niya ng biyaya!”

Ubos!

 

ION PEREZ VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with