Alden
Aktres, bata pa lang maldita na!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2019 - 12:00am

May mga impormanteng nagkokomento na kung sinu-sino raw artistang babae ang madalas na ma-blind item na maldita at maangas pero may isang kilalang female personality raw na hindi nasusulat.

Bagets pa raw ang babaeng personalidad na ito ay talagang maldita na, wala siyang pakialam sa anumang sinasabi ng buong mundo tungkol sa kanya, basta gagawin pa rin niya ang kanyang gusto.

Sabi ng isang source, “Siya ang dapat tawaging reyna ng kamalditahan! Naku, bata pa siya, e, talagang maldita na ang babaeng ‘yun! Alaga naman siya sa pangaral ng parents niya, pero bakit nga ba ganu’n ang babaeng ‘yun?

“Siya ang talagang masasabing may sariling mundo! Kahit ang mga pinsan niyang artista, e, malayo ang loob sa kanya! Kahit ang mga relatives nila, e, hindi close sa kanya!

“Kasi nga, e, inilalayo niya ang sarili niya sa mga kadugo niya! Ayaw niyang nasasapawan siya, ayaw niyang may nakakahigit sa kanya!” unang komento ng aming impormante.

Nagkaroon ng panahon na ang isang pinsan niya ang sumikat. Maganda na kasi ang cousin niya ay magaling pang kumanta. At mahusay ring umarte ang kanyang pinsan.

Patuloy ng aming source, “Naku, ayaw niya ‘yun! Masamang-masama ang loob niya kapag may kadugo siyang binibigyan ng attention ng buong bayan!

“Hindi welcome sa kanya ang pagsikat ng mga relatives niya dahil ang gusto niya, e, siya lang ang sikat sa family nila! Pero napaka-plastic niya, ha?

“Kapag hinihingan siya ng comment tungkol sa relative niyang may nagagawang maganda, e, kino-congratulate pa niya! Kiyemeng happy siya, pero saan ka, marami siyang sinasabi behind the camera!

“Mismong mga alalay niyang umalis na sa kanya ang nagpapatunay sa pagiging plastic ng babaeng ‘yun! Nakangiti siya, pero kapag wala na ang mga nag-iinterbyu sa kanya, e, sangkatutak na ang mga side comments niya!” madiin pang kuwento ng aming impormante.

At kahit ang mga katrabaho ng female personality na ito ay maraming nasasabi tungkol sa kanyang kamalditahan. Maraming umiiwas sa kanya, marami kasi siyang arte at talagang wala siyang PR.

Huling kuwento ng aming source, “Kita n’yo naman! Sa kanilang magpi­pinsan, e, siya lang ang wala kapag may okasyon! Hindi siya invited, kasi nga, e, hindi rin naman siya darating!

“Nadadaig kasi siya ng mga pinsan niya, talagang ayaw na ayaw niya kapag naaagawan siya, kapag wala siya sa limelight! Kaagaw ang tingin niya sa mga cousins niya kapag ganu’n, kesehodang magkakadugo pa sila!” nakaarko ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Ibang fans nag-iilusyon pa ring kasal sina Alden and Maine 

Kung maraming kababayan nating nag­rereklamo sa programa ni Raffy Tulfo na nagdadala ng kanilang marriage certificate bilang patunay na sila ang tunay na misis ng nangaliwa nilang mister ay iba ang atakeng dapat gawin ngayon ng kampo ni Alden Richards.

Para hindi na paulit-ulit na nililinaw ni Daddy Richard Faulkerson na walang katotohanan ang pinalalabas na balita ng ibang AlDub fans na nagpakasal na sina Alden at Maine Mendoza ay isa lang ang naiisip na solusyon du’n ng ating mga kababayan.

Kung marriage certificate ang kinukuha ng iba ay certificate of no marriage (CENOMAR) naman ang kailangan nilang ilabas.

Siguro naman, kapag meron nang hawak na ganu’ n ang pamilya ni Alden, ay magtitigil na rin sa kanilang ilusyon ang mga taong ipinipilit na mag-asawa na sina Alden at Maine at may isang anak pa nga silang lalaki.

Ano kaya ang masamang nakain ng mga taong ‘yun na hanggang ngayo’y naniniwala pa ring nagpakasal na sina Alden at Maine? At nasaan ang sinasabi nilang anak ng dalawa?

Sabi ni prop, ang aming kaibigan, “Naku, nagsasayang lang ng laway ang mga taong ‘yun! Sumobra na yata ang pag-iidolo nila kina Alden at Maine para palabasin nilang kasal na ang kanilang mga idolo, kahit hindi naman!”

Nakakawindang nga ang deklarasyon ng mga taong ‘yun. Sa popularidad kayang meron sina Alden at Maine ngayon ay makakaya nilang itago ang pagpapakasal nila at panganganak ni Maine?

Makikita kaya ni Alden sa kanyang pangitain bilang si Sep kung sino ang pinakautak ng kalokohang kuwentong ito?

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with