^

PSN Showbiz

Papa Miguel, noon pa mabait at sweet!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Papa Miguel, noon pa mabait at sweet!
Sir Miguel

Naku Salve ha, parang trip down memory lane lang ang drama ko kahapon dahil birthday ni Papa Miguel Belmonte na love na love ko dahil nag-nanny ako sa kanya noon habang busy sa pagta-type ng mga article ang kanyang Mama Betty Go-Belmonte.

Si Papa Miguel ang palaging dinadala noon ni Ma’am Betty sa office kaya madalas na ako ang babysitter niya.

Buy ko siya ng banana cue at dirty ice cream habang wait kami na  matapos ang work ng mommy niya.

Hindi eklay pero bata pa si Papa Miguel, mabait na siya at very sweet. Hindi matigas ang ulo niya at tahimik siya na bata.

Kung nabigyan ko siya ng bad influence, sure ako na naging naughty boy sana siya ngayon, hahaha.

Up to now feeling proud ako sa pagiging baby sitter ko sa Belmonte boys. Hindi pa isinisilang noon si Mayor Joy  Belmonte kaya nag-yaya dub lang ako sa kanyang mga kapatid na lalake.

One of the sweetest, kindest, best big boss si Papa Miguel Belmonte at dahil sa kanyang big kind heart  ang success ng lahat ng mga kompanya na hawak niya.

Imagine, naalala pa niya na baka hindi ako happy sa bonus ko last year dahil sabi ko hindi ko na- feel.

Kasi nga, hindi ko naalala kung may natanggap ako dahil sa dami ng mga natanggap ko na bonus. Now, talagang aabangan ko ‘yan Papa Miguel kong mahal. Be happy in your special day Big Boss Miguel Belmonte, I love you.

Pilipinas sobrang colorful!

Ang galing ng mga nangyayari ngayon sa Pilipinas. Very exciting, puno ng action, drama at super production talaga.

Bongga ang pagkakabawi sa mag-asawang Bri­ tish at Filipina na nakidnap ng Abu Sayyaf. Bongga ang militar natin dahil safe na nabawi nila mula sa mga kidnapper ang couple na halos two months in captivity. Clap clap sa military men natin na talagang mapagkakatiwalaan sa mga dangerous mission.

‘Yung mga kapalpakan sa SEA Games, kaloka talaga, pero nakita natin ang disiplina at physical strength ng mga athlete.

Okey lang sa kanila na maghintay, magsiksikan, magtiis sa mga palpak na pagkain, kulang sa tubig, kulang sa hotel room at SEA Games facilities na hindi pa tapos ang construction.

At least, nakita natin ang tanging abot ng ating kakayahan, kung ano lang ang puwede nating magawa at kung hanggang saan ang grandstanding na ginagawa ng mga in charge sa event pero kapos na kapos naman sa performance.

Nakita rin ang malaking kakulangan sa suporta sa Filipino athletes. Bongga talaga ang mga nagaganap sa ating beloved Philippines dahil sa contrasting news everyday na meron tayo. Kung may clap clap clap, meron din boo boo boo! I really love my Pilipinas kong mahal. Bongga!! Colorful!! Beautiful!!!

vuukle comment

MIGUEL BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with