Karla super in love sa dyowa!
Karla and Jam
Karla super in love sa dyowa!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2019 - 12:00am

Obvious na masayang-masaya si Karla Estrada sa kanyang birthday this year, siyempre dahil ito sa kanyang bagong pag-ibig. Kasama rin niya ito na nag-appear sa isang episode sa Magandang Buhay.

Ngayong inilantad na ni Karla ang nobyo niyang si Jam Ignacio, inaasahan pa ang mas mara­ming interview ka­sama ito.

Siyempre, interested ang lahat sa kanya, kara­pat-dapat ba siya sa ina ng Teen King na si Da­niel Padilla? Aba­ngan ang moment niya sa MB.

Samantala, bukod sa boyfriend ay naroon din ang mga kaibigan ni Karla sa showbiz at mga kasamahang sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Present din si Vice Ganda na isa ring blooming dahil sa pag-ibig niyang si Ion Perez.

SEA Games mas maingay na kesa sa showbiz

Kung hindi mag-e-effort ang local showbiz ay baka maungusan sila sa balita ng South East Asian Games (SEA Games).

Mukha namang hindi nakaapekto sa mga bumubuo ng SEA Games ang kaliwa’t kanang bashing na nararanasan nila ngayon sa social media. Sa halip na pag-aralan ito para mabawasan ay pina­ngatawanan pa nila ang more than P50-M ang nagastos sa ‘kawa’ na gagamitin sa ope­ning ng SEA Games. Balik na naman sa pagpapakasasa sa salapi ang mga nagplano nito.

Natapos na rin ang renovation ng mga venue na pagdarausan ng events. Sana rin hindi na maulit ang hindi magandang karanasan ng mga unang dumating na athlete dahil baka hindi na maipagpatuloy ni Cong. Alan Peter Cayetano ang pagiging Speaker of The House niya.

Mga bagets ng GMA itatapat sa ASAP

Balak itapat ng GMA-7 sa ASAP Natin ‘To ang mga bagets na Kapuso talents. Hindi naman kaya ito tall order sa mga nakakabatang artista nila dahil bukod sa kanilang expe­rience, mahirap silang labanan ng head on?

Dapat din sigurong ibahin ang format ng new show for them to gain an even ground. Hindi kasi naluluma ang mga musika, the older the songs are the popular they become.

Piolo bakante na para kay Claudine

Siyempre, hinihintay na ni Piolo Pascual ang reunion movie nila ni Claudine Barretto. Tapos na kasi nila ni Alessandra de Rossi ang pelikula na dinidirek nito para sa kanya, at mukhang workaholic si Piolo lately.

Inspired kasi siya not only for his own success, but, more so, for his son Inigo Pascual.

Piolo

 

KARLA ESTRADA PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with