^

PSN Showbiz

Kagat ng aso ni Kim, nagkaroon ng online war!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kagat ng aso ni Kim, nagkaroon ng online war!
Kim

May mga sumisisi kay Kim Chiu kung bakit siya nakagat ng aso, naging dahilan ‘yun para magkaroon ng “online war” sa page ni Kim sa Instagram (IG) ang kampi kay Kim at mga nanisi sa kanya. Hindi rin nagustuhan ng dog lovers ang pagpo-post niya ng picture ng dog na kumagat sa kanya, na-dog shame raw niya ang doggie.

Napa-post tuloy si Kim sa kanyang IG Story: “Purpose of posting (dog’s picture) this is not to blame the owner nor the dog. Posted this just to warn people that next time try to ask the owner if its ok to pet his/her dog plus the dogs are unleashed and he went ahead and left his dogs behind him not knowing that one of his dogs bit me, was shocked so I was not able to call his attention. Now I have to undergo total of 15 shots of anti rabies. Hassle but at least I learned my lesson. Hope this message will be taken not to blame anyone but to be warned by this kind of incident.”

Para wala nang mag-react at magalit kay Kim sa pagpo-post ng photo ng aso, tinakpan niya ang mukha nito sa kanyang IG story.

May pahabol pa si Kim, nag-post ng quotation card na ang sabi, “Maybe you should get to know the whole story before making a nasty comment. Go ahead and correct the errors, but don’t call them names unless you know what happened.”

Okay na naman si Kim, nag-rehearsal na nga kahapon ng sing and dance number niya. Hindi lang sinabi kung para saan ‘yun.

UH maraming nadagdag na hosts

Sina Arnold Clavio, Lhar Santiago at Suzi Entrata ang original hosts ng morning show ng GMA 7 na Unang Hirit at sila ang 20 years na sa show na nagsi-celebrate.  

Considered the country’s longest-running morning show ang Unang Hrit na kinagigiliwan ng viewers panoorin every morning dahil maraming maganda at nakakatuwang segments at nagdadag­dag pa ng kaalaman sa viewers.

Hindi na namin binilang kung ilan ang hosts ng Unang Hirit, may team of experts din sila na kina­bibi­langan nina Nathaniel “Mang Tani” Cruz, Atty. Gaby Concepcion at Mareng Winnie Monsod.

Nadagdag ang lovers na sina Juancho Trivino at Joyce Ching at mga bagets na sina Yuan Francisco, Angelica Ulip at Leanne Bautista na kung tawagin ay Mga Batang UH.

Aliw si Atty. Gaby sa kanyang blind item na sa una niyang pagpasok sa Unang Hirit, si Suzi lang ang unang bumati at kumausap sa kanya. May nang-deadma sa kanya at may sumimangot pa raw. Kaya lang, nang sabihan siya ni Arnold na pangalanan kung sino sa host ang sinimangutan siya, wala siyang binanggit na pangalan.

‘Katuwa rin ang description ni Suzi sa hosts ng Unang Hirit na laging gutom, kaya after the show, masaya silang kuma­kain. Courtesy ni Susan Enriquez ang nila­gang saging.

Samantala, ipinagmamalaki ng Unang Hirit ang Best Live Special Event Cove­rage Award sa Catholic Masss Media Awards (CMMA) sa kanilang Unang Hi­rit sa Vatican and Italy at ang Live Holy Land hosted by Susan and Rhea Santos. A back-to-back win for two consecutive years.

Atty. Gabby

Yasmien nagbihis lalaki para sa anak

Nakakatuwa naman ang ginawa ni Yasmien Kurdi at asawa nitong si Rey Soldevilla, Jr., na para mas mapasaya ang anak nilang si Ayesha na nag-celebrate ng 7th birthday, kasama sila sa production number.

Si Yasmien, nagbihis lalaki pa at may fake bigote pa at ang ganda nilang tingnan mag-ina. Si Rey naman, sumali rin sa isang dance number ng anak at kahit hindi sumasayaw, napasayaw para sa ikatutuwa ni Ayesha. Maganda sana tanungin si Ayesha kung magaling magsayaw ang parents niya.

Samantala, nagtatanong ang fans kung bakit hindi kasali sina Yasmien at Gabbi Garcia sa concert ng cast ng Beautiful Justice sa November 30, sa Zirkoh. Wala ang photos nina Yasmien at Gabbi sa poster ng Beautiful Justice The Concert, ibig sabihin, hindi sila kasali.

vuukle comment

ATTY. GABBY

KIM CHARLES FLORES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with