^

PSN Showbiz

Jin, walang naramdamang intimidation sa mga nakasama sa Damaso!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jin, walang naramdamang intimidation sa mga nakasama sa Damaso!
Jin

Hindi inaasahan ni Jin Macapagal na agad siyang makapagbibida sa pelikulang Damaso kung saan ay gumaganap bilang si Crisostomo Ibarra ang baguhang aktor.

Kasama ng BidaMan grand winner sina Ejay Falcon, Vina Morales, Ketchup Eusebio, Aiko Melendez, Marlo Mortel, Ariel Rivera at Nyoy Volante sa nasabing proyekto.

“Sobra po akong masaya sa naging partisipasyon ko sa movie. To be honest po, may mga parts ako na gusto sanang pagandahin pa pero happy po ako sa nakita ko and isang malaking karangalan na po to portray Crisostomo Ibarra, pero gano’n pa pong exposure, sobrang nakakatuwa po,” nakangi­ting pahayag ni Jin.

Hindi dapat ang binata ang gaganap bilang Crisostomo Ibarra sa naturang proyekto kaya masayang-masaya ang baguhang aktor nang ialok ito sa kanya.

“Opo, sabi nga po nila marami raw kinonsider for the role. Pero siguro po may dahilan talaga ang lahat kaya sa akin naibigay,” dagdag pa niya.

Bilang baguhan ay hindi umano nakaramdan nang pagkailang si Jin sa kanyang mga kasamahang sikat sa industriya.

“Nakakatuwa po na no’ng pinakaunang araw ko sa set ay hindi ko na-feel ‘yung, ‘Ah, ito ba ‘yung kinuha natin?’ Nakita ko po sa kanila na masaya sila. ‘Uy! Bagay na bagay ‘yung kinuha nating Ibarra sa role.’ Very welcoming sila sa set and maganda po ‘yung experience ko sa pagsu-shoot namin. ‘Yung intimidation, ‘yon din po agad ang una kong naisip kasi nga mga veteran actors ang kasama ko. Pero malaking bagay po na marami akong natutunan sa kanila. Kapag may mga eksena po kami tinutulungan nila ako. Nagbibigay po sila at marami po akong magagandang aral na nakuha, work ethics. Napakagandang experiences po,” pagbabahagi ng binata.

Direk Mae, hindi naging matagumpay sa planong pagbubuntis

Dalawang taon na ang nakalilipas nang huling gumawa ng pelikula si Mae Cruz-Alviar. Matatandaang nagpakasal ang direktor at nagplanong bumuo na ng sariling pamilya. Ngayon ay nagbabalik si Direk Mae sa pelikulang Unbreakable’ na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Bea Alonzo.

Ipalalabas na sa mga sinehan simula bukas ang nasabing pelikula.

“Sinubukan po naming mag-baby. Unfortunately, hindi lang kami naging successful. That’s why I’m back,” pagtatapat ni Direk Mae.

Kahit hindi naging matagumpay ang planong pagbubuntis ay naniniwala pa rin naman ang direktor na ipagkakaloob ito ng Poong Maykapal sa kanilang mag-asawa. “We tried, after two years and I feel after two years of trying, if it’s going to be God’s will for us, it’s going to happen,” giit niya.

Ayon kay direk Mae ay talagang hinanap-hanap niya ang trabaho noong mga panahong tumigil siya sa paggawa ng pelikula.

Ang Can’t Help Falling In Love na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang huling nagawa ng direktor noong 2017. 

“I feel after the hiatus, it’s time to go back. I feel that it is also my direction to tell a story and to entertain people,” pagtatapos ng direktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JIN MACAPAGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with