^

PSN Showbiz

PAL pilot nakaka-proud

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
PAL pilot nakaka-proud
PAL pilot Captain Triston Simeon

Number one airline ko na talaga ang Philippine Airlines, lalo na nang mabalitaan ko ang nangyari sa Los Angeles International Airport noong nakaraang linggo.

Ibinalik ni PAL pilot Captain Triston Simeon ang eroplano na pinalilipad nito dahil napansin niya ang mechanical trouble at ang pumutok na gulong.

Bongga na safely, naibalik niya sa airport ang eroplano at ang 320 passengers na nakaligtas mula sa possible accident.

Malaking factor ang mabilis na presence of mind at tapang ng Filipino pilot na hindi nagdalawang-isip na mag-emergency landing kaya naiwasan ang plane crash.

Ganyan kahusay ang mga piloto natin na gustong sulutin ng ibang airlines.

Iba talaga ang Philippine Airlines, ang flag carrier natin dahil we feel safe and we feel protected kahit delay pa kung tinitiyak naman nila ang kaligtasan ng mga pasahero, okey na ‘yon di ba?

Ang sabi nga ni Cielo Villaluna, ang PR ng Philippine Airlines, your safety is number one. I love PAL, salute to the pilots and crew.

Mga nagrereklamo sa traffic mas bagay sa Mindanao

Napag-usapan natin Salve nina Gorgy at Jerry na ang sarap magbiyahe ng walang traffic habang papunta tayo sa Clark.

Ang sabi ni Jerry, kung ayaw ng traffic, pumunta na lang sa Tawi-Tawi, Jolo, Basilan o saan man lugar sa Mindanao na walang traffic.

Dahil sa reklamo nang marami sa traffic sa Metro Manila, bakit hindi na lang sila lumipat sa mga lugar na walang traffic. Simple lang ‘di ba?

Nakita rin namin ang mga bahay na itinatayo along the way to Pampanga. Ang sabi ni Gorgy relocation houses daw ‘yon.

Ang galing naman.

Sa totoo lang, kung ikukumpara sa mga bahay at lugar ng informal settlers, maganda nang lumipat sila sa relocation site.

Konting sakripisyo lang, magiging maganda ang lugar nila kesa nagtitiis sila na manirahan sa ilalim ng tulay, gilid ng ilog, siksikan at marumi na mga eskinita.

Mas maganda ang relocation houses na gawin lang na maayos, tiyak na magiging maganda na community.

‘Yan ang masarap kapag nalalayo tayo nang konti sa Metro Manila, nakikita natin ang magandang outskirt ng ating bayan.

Hay naku, sana may out of town invitation uli si Rhea Tan ng Beautéderm.

Rich man may bagong GF na

Binawian ng mana ng kanyang pamilya ang balita noon tungkol sa isang rich man dahil pumatol ito sa babae na hiwalay sa asawa.

Pinili ng mhin ang love at dinedma niya ang mana na matatanggap mula sa kanyang mga magulang.

Pero hindi forever ang relasyon ng mhin at ng girl na separada at may mga anak. Nagkahiwalay rin sila at ang latest tsismis, ang karelasyon ng isang aktres ang current boyfriend ng girl.

Diumano, secret na secret ang relasyon pero mahirap ilihim ang balita na mga kilalang personalidad ang involved.

Hintayin natin na mag-ingay ang aktres dahil kapag ito ang nagsalita, sure na makukuha niya ang atensyon ng lahat.

Ryza pagagawa muna ng bahay bago ma-inlove

Kakaiba ang drama ni Ryza Cenon na walang boyfriend kaya pinili niya na maging engaged sa sarili.

Loveless sa kasalukuyan si Ryza dahil hindi pa siya nakikipagrelasyon mula nang maghiwalay sila ni Cholo Barretto.

Sumusumpa si Ryza na ayaw na nito ng boyfriend na mula sa showbiz at pinaninindigan niya ang  pangako sa sarili.

May mga nanliligaw naman daw kay Ryza pero pahinga muna siya sa love dahil gusto niya na matupad ang plano na maipatayo ang kanyang dream house.

vuukle comment

TRISTON SIMEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with