Mommy Pinty, isinumbong kay Tulfo
Alex Gonzaga
Mommy Pinty, isinumbong kay Tulfo
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2019 - 12:00am

Akala ko, at maging ng maraming sumusu­baybay sa karera ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ay hanggang sa biruan lamang ang mga isyu na lumalabas tungkol sa kanila, isang paniniyak na hindi maapektuhan ang relasyon nilang mag-iina, kaya ipinagkibit-balikat lamang ng lahat ang pakikipagkita ni Alex para isumbong ang kanyang ina na si Mommy Pinty kay Raffy Tulfo.

Sa tatlong magkakapatid na Tulfo na pawang mga journalist din sa radio, kay Raffy nakatoka ang pagsasaayos ng gusot ng mga magkakaibigan o kahit magkakilala lamang, lalo na ang gusot ng pamilya. Buti na lamang at hindi inere ni Raffy ang problema ng mga Gonzaga. Minarapat na lamang nito na bigyan solusyon ang problema ng mas nakakabatang Gonzaga na hindi maintindihan kung bakit sa modernong panahon ngayon ay hindi sila mapayagan ng ina na makipag-date ng silang dalawa lamang ng nobyo niya. Matagal na ang relasyon nila, bukod pa sa pareho na silang adult.

Sinagot ito ng kanyang ina na wala sa edad ang problema ni Alex kung hindi ang pangyaya­ring babae ito at iniingatan nila. Magagawa din ito ng magnobyo kapag kasal na sila, na sinusugan naman ni Raffy dahil wala siyang nakitang masama sa gawi ng ina at pinayuhan na lamang ang nagrereklamo na maghintay-hintay na lamang dahil sinasabi nito nalalapit na ang kasal nila ng boyfriend niya.

All’s well thats ends well.

Vice marami nang ‘nasasaktan’

Totoong hindi lang minsan kung hindi madalas nang nakakapagsalita ng masasakit si Vice Ganda sa programa nilang It’s Showtime, kahit sa mga kasamahan niyang host at contestant. Pero ayon sa kanya, lahat naman daw ng ito ay biro lang, ganunpaman, may isang joke siya na hindi nagustuhan ng isa sa mga nadehado at hindi napayagang sumali sa TNT Celebrity Champion at hanggang sa sinusulat ito ay hindi pa rin malaman ni Ate Gay ang dahilan ng pagkakaitsapuwera sa kanya.

Pero pinatatamaan siya ni Vice at ito ang hindi niya matanggap. Tsk tsk tsk.

Julia sasabak sa ‘second chance’

Baka kapag nakatapos ng guesting si Julia Barretto sa Maalaala Mo Kaya sa Sabado makalimutan na naman ng netizen ang naging hindi magandang kontrobersiya niya at tanggaping muli siya sa kanilang puso.

After all, magaling naman siyang atista at nakakapag-deliver.

Isang pasyente ang role niya na may pinagdadaanan at muli ibubuhos niya ang lahat niyang nalalaman sa acting para ipakita sa lahat na deserved niya ng second chance.

Clashers nalaglagan na naman

Walo na lamang ang Clashers, sina Nef, Thea, Antonnette, Jennifer, Clark, Aljon, Jeremiah at Janina. Bagama’t marami ang nag-react sa pagkatalo ni Sassa kay Janina, mas marami ang naniniwala na mas maganda ang pagkakabanat ng una sa kanyang pangmalakasang piyesa.

Only Christian voted for the Sassa, outnumbered siya nina AiAi at Lani for Janina. Sana next week unanimous na ang mapipili ng judges sa gusto ng mga manonood para walang tanong tanong.

ALEX GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with