^

PSN Showbiz

Female personality malapit nang maghirap!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mukhang malapit nang matapos ang kaligayahan ng isang kilalang female perso­nality. Kailangan na niyang paghandaan ang pagdating ng araw na hindi na siya bibigyan ng bundle of joy ng kanyang kadugong personalidad.

Unti-unti nang nakakahalata ito at ang kanyang boyfriend, mukhang ginagawa na lang silang palabigasan ng female personality, dumudumi man sila ng salapi ay sasakit din ang kanilang puwet sa kabibigay.

Kuwento ng aming source, “Hindi ba kayo nagtataka? Wala naman siyang trabaho, pero nakapamumuhay siya nang bonggang-bongga? Saan niya kinukuha ang panggastos niya?

“Wala nga siyang regular show, kahit movie, e, wala rin siyang ginagawa, kaya nakapagtataka kung saan siya kumukuha ng panggastos niya!” simulang kuwento ng aming impormante.

Kaya naman pala kahit ano ang gawin at sabihin ng kadugo niya ay sunod lang nang sunod ang female personality. Kaya naman pala para siyang tau-tauhan na oo lang nang oo.

Balik-kuwento ng aming source, “Gagawin niya talaga ang lahat-lahat para lang siya magkadatung! Kung ang gusto ng relative niya, e, tumalon siya sa tulay, gagawin niya ‘yun!

“Kasi nga, e, ‘yun ang pinagkukunan niya ng kabuhayan showcase niya. Wala na siyang ibang pagkukunan, du’n na lang siya umaasa sa bigay ng female personality na kadugo niya!

“Paano na ang mga extra-curricular activities niya? Saan siya kukuha ng pangtustos? Waley! Kaya bow lang siya nang bow sa mga gustong mangyari ng kadugo niya!” matigas na paninindigan pa ng aming impormante.

Sa isang umpukan ay may nagkuwento. Kinausap na kuno ng female personality ang mga friends ng kanyang kadugo kung saan niya dinadala ang perang ibinibigay nito.

“Meron nang nagsabi kung saan. Shock boogie ang girl nu’ng malaman niya kung ano ang pinagkakagastusan ng kanyang kadugo. Parang nakunsensiya ang female personality!

“Siya nga naman kasi ang bigay nang bigay ng bundle of joy sa girl! Kung wala ang kanyang bigay, wala ring maipambibili ng pinagkakaabalahan niya ang babaeng sa kanya lang naman umaasa!

“’Yun lang naman talaga ang kailangang mangyari, para mahinto na ang kung anumang pinaggagagawa ng female personality, kailangang wala siyang hawak na pera! ‘Yun lang ‘yun!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Derek ini-spoil si Andrea

Spoiler si Derek Ramsay. Alam ‘yun ng mga nakarelasyon niya. Lahat-lahat ay kayang ibigay ng hunk actor para lang mapasaya ang kanyang girlfriend.

Una, kayang-kaya namang gastusan ng aktor ang mga luho na ibinibigay niya, hindi na niya kailangan pang magtrabaho para lang magkapera dahil milyonaryo ang pamilya ng aktor.

Passion lang ni Derek Ramsay ang pag-arte, gusto lang niyang maipakita ang mga talentong meron siya, isa si Derek sa pinakamadaling kausapin tungkol sa isyu ng pera o talent fee.

Personal na naming nakilala ang kanyang mga magulang nu’ng aktibo pa siyang artista ng TV5, hindi sila namimili ng makakarelasyon ni Derek, kung saan at kanino maligaya ang kanilang anak ay du’n na rin sila.

Ngayon ay kitang-kita naman ang ebidensiya na maligaya ang aktor sa piling ni Andrea Torres. Halos hindi na sila maghihiwalay, ganu’n kasi ang gusto ni Derek, ang palagi niyang kasama-katabi ang kanyang girlfriend.

Tinuturuan na niyang mag-golf si Andeng, baka sa susunod ay frisbee naman ang matutuhan ng seksing dalaga, hindi imposible ‘yun dahil ang gusto ni Derek ay magkapareho sila ng hilig ng kanyang karelasyon.

Maraming kumokontra sa kanilang relasyon, kayamanan lang daw ni Derek ang habol ni Andrea, na para bang kung saan lang napulot ng aktor ang dalaga at ngayon lang namamantikaan ang nguso.

Aysus, kilalanin muna sana nila ang pinagmulang pamilya ni Andrea Torres, ang lengguwahe ni Derek Ramsay ay lengguwahe rin ng pamilya ni Andeng.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with