^

PSN Showbiz

Frozen 2 kinatatakutan sa takilya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Marami ang hindi makapaniwala sa matinding lakas sa takilya ng Frozen 2 na sabi ng ilang batang napagtanungan namin, mas maganda raw kasi ito kesa sa unang Frozen.

Ayon sa aming source, nung nakaraang Sabado lang ay naka-gross ito ng 113.5M at nung Linggo ay umabot ng 113.3M.

Kaya as of Sunday, November 24 lang ay naka-313M na raw ito.

Kaya kapag nag-ikot ka sa mga sinehan sa iba’t ibang malls, pawang Frozen 2 lang ang nakikita mong palabas.

May tig-isang sinehan naman sa SM cinemas ang Adan nina Cindy Miranda at Rhen Escano at ang Damaso ni Arnell Ignacio.

Tiyak na kinatatakutan na ito ng mga producer na magpapalabas ng pelikula nila bukas.

November 27 ang showing ng Unbreakable ng Star Cinema na mukhang maganda naman at type ng mga moviegoer ang mga ganung tipo ng pelikula.

Makakasabay din nito ang The Heiress nina Maricel Soriano at Janella Salvador.

Binigyan ang The Heiress ng Grade B ng Cine­ma Evaluation Board, at proud si direk Frasco Mortiz sa naturang pelikula dahil iba raw ang pagka-horror nito.

Sa totoo lang, may audience naman talaga ang mga horror films lalo na kung maganda.

Sasabay din ang Kings of Reality Shows ng Ariel and Maverick na alam kong 10 years ago pa nila ito ginawa.

Joem dedma na sa GF dahil kay Meryll

Marami nga ang curious sa napapabalitang break-up nina Joem Bascon at ng non-showbiz girlfriend niyang si Crisha Uy.

May ilang netizen ang nagtanong kay Crisha kung wala na ba sila ni Joem dahil hindi na ito nakikitang nagpu-post nang magkasama silang dalawa.

Kinumpirma rin ito ng isang kaibigan niyang blogger na naging co-actor ni Joem sa ilan niyang pelikula.

Pero kaagad naman nilang nilinaw na walang kinalaman si Meryll So­riano sa kanilang break-up.

Umugong kasi ang tsismis na nagkabalikan daw sina Joem at Meryll. Nung premiere night ng The Annulment nila ni Lovi Poe ay deretsahan kong tinanong si Joem kung totoo bang nagkabalikan sila ni Meryll pero sinagot niyang hindi raw iyun totoo.

Umoo pa nga siya akin nang sinabi kong may girlfriend naman siya at may boyfriend din si Meryll, kaya paano magkatotoo ang isyung balikan?

Magkasama sina Joem at Meryll sa pelikulang Culion, kaya baka ito pa ang pag-uusapan kapag nagpu-promote na sila ng naturang MMFF movie.

Palakas nang palakas na ang The Clash, lalo na pag Linggo dahil mas

lalong umiinit ang labanan ng mga clashers.

Nung nakaraang Sabado, November 23 ay di gaanong humataw  ang naturang singing competition na naka-8.9 percent lamang. Pero ang katapat na Home Sweetie Home ay 9.2 percent.

Pero nung Linggo, November 24 ay naka-10.6 percent ang The Clash at 9.7 percent lamang ang katapat na Your Moment.

Patindi nang patindi na ang labanan dahil walo na lang ang naiwan.

Abangan ang susunod na magaganap sa darating na weekend dahil may panibagong twist na naman ito.

vuukle comment

FROZEN 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with