^

PSN Showbiz

Alma nag-uwi ng kotse sa raffle!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Alma nag-uwi ng kotse sa raffle!
Alma

Nanalo ng brand new car ang former beauty queen / actress / interior designer na si Alma Concepcion sa Dekada celebration ng Beautederm Corporation / 40th birthday celebration ng kanilang President and CEO na si Ms. Rhea Tan.

Rhea

Yup, mangiyak-ngiyak nga si Alma nang tanggapin ang susi ng bagong sasakyan na napanalunan niya sa raffle.

Hindi lang si Alma ang nanalo ng bagong kotse dahil dalawa pang reseller /dealers nila ang nag-uwi ng bagong sasakyan.

Bukod dun namigay din sila ng tatlong business package worth P100,000. Isa sana sa mga nabunot ang pangalan ay ang Kapuso actress na si Camille Prats pero nakaalis na siya. Nag-uwi naman nito sina Ejay Falcon at Shyr Valdez.

Namigay din sila ng mga motorcycle na isa naman sa mga nanalo ay ang actor na si Tonton Gutierrez.

Si Sherilyn Tan ay nakatanggap ng P100,000 bilang Most Deligent Ambassador of Beautederm.

Bukod sa mga nabanggit na papremyo, ang dami ring nag-uwi ng mga laptop, cellphone, trip to Bangkok, trip to Boracay at marami pang iba.

Ang bongga actual­ly ng nasabing Dekada / Rhea’s birthday celebration na ginanap sa isang hotel sa Clark, Pampanga dahil imbitado ang mga seller nila sa buong Pilipinas at maging sa abroad. All expenses paid sa mga five star hotel sa Clark ang more than 1,000 resel­lers / dealers nila na nauna nang nagkaroon ng convention bago ang nasabing party na dinaluhan ni Marian Rivera.

Present ang more than 42 ambassadors ng Beautederm sa Dekada / birthday celebration sa pangunguna ni Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez at mga anak niyang sina Arjo and Ria, Gabby Concepcion, Tonton and Glydel Mercado, Carlo Aquino, Sanya Lopez, Ken Chan / Rita Daniela, at maraming marami pang iba.

Gary V.

Naging highlight din ng event ang mini concert nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano and Divine Diva Zsa Zsa Padilla. 

Nag-effort ang lahat ng dumalo sa Casino Royale theme ng party at lahat ay nagkaroon ng chance na maki-selfie sa mga favorite star nilang Beautederm ambassadors at inabot ang party ng 2:00 a.m.

Nakaka-amaze lang habang ang karamihan sa mga negosyo ay parang tutok na sa social media, ibang business approach / strategy ang pina-practice ni Ms. Rei kaya triple ang laki ng resellers / dealers niya sa loob lang ng isang taon.

Congrats Beautederm and happy birthday Ms. Rei.

vuukle comment

ALMA

GARY V.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with