^

PSN Showbiz

Julia at Jameson magsasama sa MMK

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Julia at Jameson magsasama sa MMK
Julia

Aabangan namin ang episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan magbibida si Julia Barretto. Si Jameson Blake ang katambal niya.

At ang role na kanyang gagam­panan ay isang bipolar. Sa teaser ng episode ay ipinakita si Julia na bigla na lang nagwawala dahil sa manic depression.

May mga oras ding bigla na lang siyang nagmumukmok, ayaw maka­kita ng ibang tao, mga palatandaan ng pagiging bipolar.

Pamilyar na kami sa ganitong sitwasyon, maraming kababayan natin ang dumadaan sa ganitong kundisyon, mahirap ispilengin ang kanilang ugali na pabagu-bago.

May isang female personality kaming kilala na paiba-iba ang takbo ng isip. Maayos ito ngayon, pero maya-maya lang ay iba na naman ang kanyang kundisyon, nagha-hallucinate pa nga kung minsan ang mga bipolar.

Maganda ang ganito, matututuhan ng mga kababayan nating unawain ang mga nakapailalim sa kundisyon ng pagiging bipolar, lalo na nga at sa buong mundo ngayon ay maraming nagpapakamatay dahil sa matinding depresyon.

Magaling na aktres si Julia, siguradong pinag-aralan niyang mabuti ang kundisyong kailangan niyang itawid sa manonood, kundi man meron na siyang kilalang mga taong dumaranas nang matinding manic depression.

Female singer nagkawindang-windang ang career nang ma-inlove

O, di lumabas din ang katotohanan na mula nang magkaroon ng karelasyon ang isang female performer ay nagsimula nang magkawindang-windang ang kanyang career, hindi lang ang relasyon ng kanilang pamilya?

Bago pa pala pumutok ang kuwentong nagkakaroon sila ng problema ng kanyang pamilya ay meron na ring mga pagkakataong binibigyan ng problema ng female singer ang kanyang mga katrabaho.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng wala pa siyang boyfriend, e, very professional ang babaeng ‘yun! On time siyang dumarating sa mga rehearsals, sa recording, sa mismong show.

“Palaging ganu’n ang girl, kaya naman maraming staff ng show ang nagkakagusto sa kanya. May mga time pa ngang mas nauuna pa siya sa mga technicians.

“Professional talaga siya, on time siyang dumarating, walang nagiging problema sa kanya ang production,” unang kuwento ng aming impormante.

Siguradong nakarating sa pamilya ng female singer ang napapansin sa kanya ng staff, kaya du’n nag-ugat ang hindi nila pagkakaunawaan, sinabihan ng mga magulang niya ang female singer na ikinasama naman ng kanyang loob kaya umalis siya sa kanilang bahay.

Balik-kuwento ng aming source, “Palagi namang ganu’n, di ba? Ang mga managers, e, very open sa pagsasabi na ang pinakamatindi nilang kalaban sa mga alaga nilang personalities, e, lovelife.

“Nahahati na kasi ang time ng artista o singer, napababayaan na nila ang mga priorities nila, dahil may pressure na sa lovelife nila ‘yun!

“Hindi niya naha-handle nang maayos ang personal at professional side ng buhay niya. Meron siyang napababayaan, kaya ganyan na nagkakawindang-windang ang career niya!

“So, may point naman pala ang pamilya niya, kailangang balansehin niya ang buhay at career niya, hindi puwedeng puro lovelife lang ang bibigyan niya ng time dahil sayang naman ang pinaghirapan niya para matupad ang mga pangarap niya!

“Sayang siya, magaling pa naman siyang singer, marami na nga siyang kinakabog ngayon, di ba? Pero kung ganyan naman na nakaapekto na sa profession niya ang pakikipagrelasyon, e, mag-isip-isip na siya!

“Dapat, e, ginagawa niyang inspiration ang pagkakaroon ng boyfriend, hindi ganyan na ang dami-dami nang natatapakan ng pagkakaroon niya ng lovelife!

“Ayan tuloy, marami nang may gustong kumuha sa kanya sa mga Christmas party ang nagdadalawang-isip, baka nga naman kasi hindi rin siya sumipot!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

vuukle comment

JULIA BARRETTO

MMK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with