Jona may pinatunayan sa asap rome
Jona
Jona may pinatunayan sa asap rome
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2019 - 12:00am

Bongga yung Italian number ni Jona sa ASAP Rome. Pinatunayan niya na she is one of the performer to reckon with, hindi lamang sa boses kung hindi maging sa pagbibihis. But then maga­galing ‘yung mga Pinoy na isinama ng ASAP sa show. Hindi sila napag-iwanan ng maraming kababayan natin na bumabandera sa intenational competitions na isinama nila sa prog­rama.

Sikat na talaga si Maymay Entrata base sa napakalakas na pagtanggap na ibinigay sa kanya ng ating mga kakabayan sa dako na ‘yun ng Europa. Ganundin sina Beauty Gonzales at Dimples Romana. Walang patunay na kailangan para masabing pinapanood dun ang Kadenang Ginto.

Bea

Bea nagagamit na ang pinag-aralang kurso

Pinatunayan ni Bea Alonzo na hindi ang paghahanap ng bagong pag-ibig ang pinakamabilis na paraan para makalimot sa isang lalaki.

Wala siyang balak para sa isang bagong pakikipagrelasyon. Pero, naka-move on na siya agad-agad, nang walang lalaki. Ito ay dahil sa marami niyang trabaho at bagong negosyo, isang kapehan sa kanto ng Scout Tuazon at Scout Rallos.

Tinawag niya itong Dean & DeLuca Philippines. Isa itong kilalang kapehan sa New York. Dito sa bansa, may branches ito sa Makati at Bonifacio Global City.

Nagtapos ng kurso sa baking si Bea sa Center for Culinary Arts.

Balikang Joem at Meryll, ‘di mamatay-matay!

Marami ang excited sa balitang nagkabalikan na sila Joem Bascon at Meryll Soriano, pero hindi pa ito kumpirmado at ayon lamang sa mga sali-salita ng mga kaibigan nila’t nakakasama.

Pinagbibintangan din si Meryll na dahilan ng hiwalayan nina Joem at ng huli nitong karelasyon.

Kahit naghiwalay sina Meryll at Joem ay nagawa pa rin nilang magsama sa ilang projects, their separation did not diminish their professionalism towards work. 

BEA ALONZO JONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with