^

PSN Showbiz

Patricia ayaw mag-showbiz

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Patricia ayaw mag-showbiz
Patch

Seen: Sa darating na Sabado, November 30, ang farewell episode ng Studio 7, ang musical variety show ng GMA-7 dahil magiging busy na ang production staff para sa bagong Sunday noontime variety progran na ipapalit sa Sunday PinaSaya na magpapaalam naman sa ere sa December 22.

Scene: Kinaiinisan na ang isang sexy actress dahil overacting na ang kanyang mga ginagawa para mapansin at mapag-usapan siya. Dapat payuhan ang sexy actress na siya lang ang natatawa sa pagiging trying hard comedienne niya at marami na ang nabubugnot sa kanya.

Seen: Hindi matutuloy sa December 4 ang playdate sa mga sinehan ng My Bakit List dahil inilipat sa December 11 ang pelikula na pinagbibidahan nina Louise delos Reyes, Ivan Padilla at Prince Stefan.

Scene: Ang Mañanita ni Bela Padilla at ang Love is Love ng RKB Productions ang magkasabay na magbubukas sa mga sinehan sa December 4. Mga bida sa Love is Love sina Roxanne Barcelo, JC De Vera, Raymond Bagatsing at Jay Manalo.

Seen: Matrona ang pinili ni JC de Vera sa naughty question sa kanya ni Mr. Fu na alin ang pipiliin niya, matrona o bading? Ibang-iba ang sagot ni JC kay Jay Manalo dahil pinili nito ang bading dahil mas maunawain.

Scene: Lumikha ng chaos sa Araneta City noong Sabado ang CGravity, ang world tour ng Korean boy band na Day6. Nagkaroon ng matinding traffic situation sa paligid ng Araneta City at umabot hanggang sa Gateway Mall ang mahabang pila mula sa green gate ng Big Dome.

Seen: Matapos matalo sa Miss International 2019, marami ang kumukumbinsi kay Bb.Pilipinas-International Bea Patricia “Patch” Magtanong na muling subukan ang kapalaran sa mga beauty contest pero sinabi ng beauty queen-lawyer na magpapahinga muna siya. Wala rin sa plano ni Bea na pumasok sa showbiz.

vuukle comment

PATCH

PATRICIA

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with