Barbie ayaw sumabak sa hubaran!
Barbie
Barbie ayaw sumabak sa hubaran!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2019 - 12:00am

Marami ang nag-aalala kung papaano mapapangatawan ni Barbie Imperial na bagaman at sumabak na sa paseksihan, ito ay sa mga kalendaryo lamang o fashion shows. Pagdating sa mga role na tatanggapin ay limitado ang papayagan niyang gawin, definitely no intimate lovescenes for her, no nudity. Alam niyang medyo mahihirapan siyang panindigan ang kanyang desisyon pero, ito ang inaakala niyang nararapat gawin para mapanatili  niya ang dignidad ng kanyang work. 

Oo nga’t kinakailangan niyang magtrabaho, gusto na niyang makabili ng sarili nilang matitirhang mag-ina pero, nakapaghintay na siya ng ganito katagal, ngayon pa ba siya babali ng kanyang pangako?

John Lloyd bumubuwelo pa sa pagbabalik

Oo nga’t nagbabalik si John Lloyd Cruz pero, hindi agad-agad sa pelikula o TV.

Mas uunahin niya ang napakaraming product endorsements na matagal nang naghihintay ng kanyang  pagtanggap.This will take a little time dahil nga marami ito. 

Wala pang malinaw na proyekto sa TV ang magaling na aktor, o sa pelikula but it will give him ample time to finish what he has to do. By the time na makatapos siya sa marami niyang endorsement mayro’n na marahil napili na mga project sa kanya sa TV o pelikula.

Inigo international singer na ang dating

Talagang pinangangatawanan na ni Inigo Pascual ang pagiging international star niya. Sa kabila ng pangyayaring may mga kinakailangan siyang gawin para maiangat ang kanyang sarili gaya ng paggamit ng mga foreign crew sa kanyang acts, pasalamat na lamang tayo na napapalago niya ang OPM pagdating sa mga performances niya. Mga musikero niya’t mga dan­cers  may be foreign talents at kailangang may pangalan na internationally, ito ang kailangan  niyang tanggapin dahil ito ang kalakaran sa abroad. Sasabihin nating marami tayong magagaling na dancers pero mas sikat pa ba sila sa mga dancers ni Bruno Mars na siyang kasakasama ni Inigo ngayon? 

Direk Wenn at Direk Soxie kikilalanin sa Luna

Sina Wenn Deramas at Soxie Topacio ang tatanggap ng Lamberto Avellana Memorial Awards sa gaganaping 37th Luna Awards sa Nob.30 (Sabado), Makakasama nila bilang special awardees sina Lily Monteverde, FPJ Lifetime Acievement Awards, at Nova Villa, Manuel de Leon Exemplary Achievement.

Ang Luna Awards ay mapapanood, 8NG, sa FDCP Facebook. Dito na lang kayo manood dahil strictly invitational ang event.  Ilan sa mga nominado for Best Motion  Picture: Liway, Buy Bust, Signal Rock, Goyo, ang Batang He­neral, Gustom Kita with All My Hypothelamus.

Best Director: Chito Rono, Dwein Bathazar, Erik Matti, Kip Oebanda, Irene Vullamore.

Best Actor: Eddie Garcia, Christian Bables, NIcco Manalo, Daniel Padilla, Dingdong Dantes.

Best Actress: Angelica Panganiban, Glaiza de Castro, Aiai delas Alas, Anne Curtus, Agot Isidro.

BARBIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with