^

PSN Showbiz

Derek inakusahang nagpapapansin kay Barbie, Andrea panget daw pag walang make up!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Derek inakusahang nagpapapansin kay Barbie, Andrea panget daw pag walang make up!
Barbie

Winelcome lang ni Derek Ramsay si Barbie Imperial sa Tanduay family dahil si Barbie ang 2020 Calendar Girl ng Tanduay, inakusahan na agad ang aktor na guma­gawa ng paraan para mapansin ni Barbie.

May nag-comment ng “Para-pa­raan” sa “welcome to Tanduay family” na post ni Derek, pero hindi na nito kailangang ipagtanggol ang sarili dahil ang supporters na ng aktor ang nagtanggol para sa kanya.

Wala raw dapat ikatakot ang fans ni Barbie dahil very much in love si Derek sa GF nitong si Andrea Torres. In fact, nag-post ang aktor ng photo nila ng GF at may caption na “I love you @andreatorres.”

Sa IG Story ni Andrea, makikitang tinuturuan siyang mag-golf ni Derek at sa isang photo, may hawak na golf ball si Derek at may nakasulat na “Ada” na pangalan ng karakter ni Andrea sa Alyas Robin Hood. Ang caption ni Andrea, “kilig” at kinilig na rin ang kanilang shippers.

Hindi lang maiwasan sumali sa masayang convo ang bashers ni Andrea, lalo’t hindi siya naka-make up sa photo nila ni Derek. Ordinary looking lang daw ang aktres at hindi nila alam kung bakit na-in love si Derek. Hindi pa yata nakita ng personal ng mga nag-comment si Andrea.

Raymond nagsalita sa isyu ng kabadingan!

Palaliman ng sagot sina Raymond Bagatsing at Roxanne Barcelo sa mediacon ng pelkulang Love is Love at sa sobrang lalim ng kanilang isinagot sa mga tanong ng press, nangamba ang dalawa na baka hindi na sila naintindihan ng press people.

Anyway, sa movie na showing sa December 4, sa direction ni GB Sampedro, beki ang role ni Raymond, siya si La Greta at karelasyon si Jay Manalo as Calvin.

“Hindi ako naniniwala” ang sagot ni Raymond sa tanong kung naniniwala ba siyang ang lalaking nagkakarelasyon sa bading ay bading na rin.

Pero, gusto namin ang sagot ni Raymond sa tanong kung straight ba siya o gay?

“I appreciate everyone. I appreciate feelings and I appreciate love. Matagal nang tinatanong sa akin ‘yan. I’m very close to all people. I find mean and gay good looking. I believe love has no gender. I don’t know who I am. I’m not confused, I just don’t limit myself who I am. Life for me is a journey,” sagot nito.

Sa sagot ni Raymond, sana nakuha n’yo ang sagot niya sa tanong. Alam niyang matagal nang pinagdududahan ang gender niya, pero mukhang walang keber si Raymond. Nilinaw din nito na hindi niya peg si Bb Gandanghari sa role niyang si Greta.

Also, nagpa-sample sina Raymond at Jay Manalo nang mag-smack kiss sa lips sa harap ng press nang matanong kung may kissing scene sila sa movie na prodyus ng RKB Productions ni Mr. Bernard Chong.

Angelica nagpagupit uli!

Tinapos lang ni Angelica Panganiban ang media­con ng Unbreakable movie nila nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez under Star Cinema sa direction ni Mae Cruz-Alviar at showing sa November 27, tapos nagpagupit na siya.

Pinost ni Angelica ang video niya with her new haircut at lahat nagsasabing bagay sa kanya ang bagong hairstyle. May nagsabi pang mas lumabas ang ganda ni Angelica sa maiksing buhok.

Anyway, nangangamoy blockbuster ang Unbreakable based sa feedback at ingay sa social media ng netizens dahil sa temang friendship na tama si direk Mae, matagal ng walang gumagawa ng ganitong klase ng pelikula. Ang dami naming nababasang panonoorin nila ang movie first day pa lang at pipila sila para mapanood ang first movie ng magkaibigang Angelica at Bea at kasama pa si Richard.

vuukle comment

BARBIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with