^

PSN Showbiz

Studio 7 papalit sa sunday...

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Napaiyak si Roxanne Barcelo sa presscon kahapon ng Love is Love nang mapag-usapan ang kanyang pumanaw na ama at ang magaganda na nangyayari sa showbiz career niya. Overwhelmed si Roxanne sa mga sunod-sunod na projects na dumarating sa kanya. Si Roxanne ang lead actress ng Love is Love at si JC De Vera ang leading man niya na sa December 4 ang playdate.

SCENE: Transgender woman ang role ni Raymond Bagatsing sa Love is Love. Malaki ang resemblance ni Raymond kay BB Gandanghari sa kanyang mga eksena sa Love is Love pero nilinaw ni Raymond na hindi si BB ang peg niya.

SEEN: Ang balita na ang Studio 7 ang ipapalit ng GMA-7 sa Sunday PinaSaya kapag nagpa­alam na ito sa December 22, 2019. Station produced ang Studio 7 samantalang ang APT Entertainment ang producer ng Sunday PinaSaya.

SCENE: Extended at may second week sa mga sinehan ang The Annulment kaya masaya ang Regal Entertainment Inc. producer na si Mother Lily Monteverde. Nag-umpisa na ang shooting ni Lovi para sa In Between Goodbyes, ang unang movie project niya sa Viva Films. 

SEEN: Naka-move on na si Janella Salvador mula sa highly-publicized break up nila ni Elmo Magalona. Hindi na masyadong nagtanong ang entertainment writers kay Janella tungkol kay Elmo nang humarap siya sa presscon ng The Heiress.

SCENE: Tiniyak ni Coco Martin na importante ang role ni AiAi Delas Alas sa kanilang pelikula na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival, ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon. Nanay ni Coco ang karakter ni AiAi sa 3Pol Trobol at Balbon ang apelyido ng kanilang pamilya.

SEEN: May special participation si Edu Manzano sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon at hindi siya naningil ng talent fee dahil sa pagmamahal niya kay Coco Martin.

vuukle comment

STUDIO 7

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with