Malayo ito sa balbasin at "rugged look" noon ni Lloydie sa kanyang patalastas sa sikat na doner/shawarma brand, na tumigil sa matagal niyang pagkawala sa mata ng media.
Mula sa Instagram account ng Fred Perry Philippines
SILIPIN: 'New look, new endorsement' ni John Lloyd Cruz
James Relativo (Philstar.com) - November 22, 2019 - 2:59pm

MANILA, Philippines — Nagulantang ang ilang fans ng aktor na si John Lloyd Cruz matapos ilantad ang maaliwalas na ayos sa kanyang bagong patalastas.

Kahapon lang nang ianunsyo ng men's designer clothing and accessories brand na Fred Perry Philippines ang matinée idol bilang kanilang bagong endorser.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

John Lloyd Cruz, Actor. Photographed by @mmyu78 #FredPerry #FredPerryPH

A post shared by Fred Perry Philippines (@fredperry.ph) on

 

Ang pagdalas ng paglabas ni John Lloyd sa mga proyekto, ikinatuwa naman ng fans.

"'Yung ibang artista kailangan pang gumawa ng iskandalo para mapansin, samatalang si JC (na gusto na nga ng tahimik na buhay), mag-ahit lang, laman na agad ng balita," sabi ng Instagram user na si @cmlacosta.

Sang-ayon naman diyan si @shuiede: "[M]ismo. Iba ang aura ni JL sa madlang pipol. Walang kaeffort effort."

Malayo ito sa balbasin at "rugged look" noon ni Lloydie sa kanyang patalastas sa sikat na doner/shawarma brand, na tumigil sa matagal niyang pagkawala sa mata ng media.

Oktubre taong 2017 nang magkaisa ang ABS-CBN at ang award-winning actor sa kanyang "indefinite leave of absence" upang asikasuhin ang ilang personal na usapin.

Naiulat na noon na nagkaroon ng relasyon at anak ang aktor kay Ellen Adarna.

Sa kabila nito, nagdaan din sa ilang unos ang kanilang pagsasamahan, dahilan para maging "rocky" ang ugnayan ng dalawa.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang lumabas ang litrato ng aktor habang kalong-kalong ang anak na si baby Elias, na ipinaskil sa isang fan account.

Maging hudyat na kaya ito ng kanyang pagbabalik sa showbiz? Abangan.

JOHN LLOYD CRUZ NEW LOOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with