BTS
Fans nagwawala super sikat na BTS hindi ligtas sa military training
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi nakaligtas sa compulsary military training ang phenomenal K pop group na BTS.

Yup, wala siyang choice kundi mag-training sa military.

Ayon sa lumabas na story ng CNN.com kahapon, ito ay matapos magkaroon ng annoucement ang Defense Ministry of South Korea na walang pagbabago sa rules. “South Korea has compulsory conscription, and almost all healthy men are required to serve time in the army. Top artists, musicians and sports players can get exemptions from serving the full military service -- but top K-pop stars do not.”

Kaya naman balitang nagwawala na ang fans ng pinaka-sikat na k-pop group at diumano’y nagkakaroon ng debate kung dapat o hindi ba talagang i-extend ang exemptions sa BTS na sikat sa buong mundo.

Paano na nga naman ang mga commitment nila?

Marami nang naunang Kpop stars ang nag-training.

Ayon pa sa report ng CNN, ni-review ng Defense Ministry ng Korea ang nasabing exemptions rules pero kahapon nga ay inilabas nila ang decision na hindi nito covered ang BTS.

Karaniwang two years ang training pero bumaba na umano ito sa 18 months.

Naku tiyak maraming malolokang fans nito at baka wala na lang silang gawin kungdi magbantay sa military compound kung saan nagti-training ang mga idolo nila.

‘Yan ay kung makakapasok sila. Super guarded ang nasabing lugar na dinadaanan ng mga tourist na namamasyal sa Korean Demilitarized Zone (Korean Peninsula).

BTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with