Bea, hindi pa uli kayang makipagrelasyon
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan ang tungkol sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson bilang magkasintahan. Ngayon ay naka-move on na ang aktres mula sa pakikipagrelasyon sa binata. “Tapos na ako do’n, okay na ako. Sobrang daming blessings na dumating. Parang nag-360 degrees, ang daming dapat ko ipagpasalamat. Na-realize ko, ang dami palang importante sa buhay ko, hindi lang jowa,” makahulugang pahayag ni Bea.

Masaya ang dalaga sa pagiging single ngayon at hindi pa nakahanda na muling pumasok sa isang bagong relasyon. “Magpapahinga muna ako, parang hindi ko pa kaya. Hindi naman kailangang magka-boyfriend para patunayan na naka-move on ka na,” giit ng aktres.

Para kay Bea ay naging mas matatag na siya sa kabila ng mga nangyaring pagsubok sa kanyang buhay. “Pain makes you unbreakable. If you were able to soar above all the difficulties in life, if you are able to get through everything na ibato sa ‘yo ng buhay at lumabas ka do’n ng buo, that makes you unbreakable. Pero siyempre habang nabubuhay ka, patuloy pa rin ‘yung mga pagsubok na ibibigay sa ‘yo ni Lord. Para mas gawin kang unbreakable para mas marami kang matutunan at para sa akin sa mga pinagdaanan ko, na-realize ko na hindi mo dapat iniiwasan ‘yung mga pain. Dapat ini-endure mo siya, dapat natututo ka. Dapat hindi ka natatakot kapag may lungkot na dara­ting. Dapat harapin mo siya nang diretso and then learn from it and you will become unbreakable and be a better person after. You just have to believe,” paliwanag ng dalaga.

Arnel, gustong maging Coach ng the Voice PH

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto umano ni Arnel Pineda na maging isa sa coaches ng The Voice of the Philippines.

Ayon sa international rock star ay inalok na siya noon ng programa na makasama sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo upang maging hurado sa nasabing reality show. “I’m very, very willing to do that. Actually galit na nga yata sa akin ang mga taga-The Voice Ph, na-invite na ako before pero hindi ko lang magampanan talaga. Gustung-gusto ko talaga,” kwento ni Arnel.

Magsisilbing isang malaking inspirasyon ang singer sa mga contestants ng The Voice Philippines kung sakali dahil nagsimula lamang din sa isang pangarap kung ano man ang narating ni Arnel ngayon. “I have so much to share. Kasi ‘yung pinanggalingan ko tubong-lugaw talaga. ‘Yung mga sumasali sa singing search, they’re trying their best na kahit mahirap lang sila katulad ko, talagang ang lakas ng loob nila,” pagbabahagi niya.

Nalalapit na ang pagsisimulang muli ng bagong season ng naturang programa kaya nangangarap si Arnel na maging bahagi nito. “I don’t know kung hinihintay pa nila ako or baka nagsawa na sila, or they don’t want me anymore. Kasi talagang depende sa time eh. Like next year mag-start na kami mag-tour ng May to September,” pagtatapos ng singer.

Abala si Arnel sa pagiging lead vocalist ng bandang Journey na nagtatanghal sa iba’t ibang panig ng mundo. (Reports from JCC)

BEA ALONZO GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with