^

PSN Showbiz

Aktres nawindang nang makarinig ng PDEA

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoong-totoo, may pakpak nga ang balita, kung paanong may tenga naman ang lupa. Naganap ang senaryong ito sa isang drug store, nakahilera ang mga bumibili ng gamot, nang biglang duma­ting ang isang pamosong female personality.

Natural, napalingon sa kanya ang mga nandu’n, pinagpistahan siya ng tingin at atensiyon, bumibili siya ng uri ng gamot na inirereseta lang ng mga doktor kapag talagang kailangan na ng pasyente.

Kuwento ng aming source na nandu’n mismo sa drug store, “Wala siyang dalang prescription, natural, hindi siya binigyan ng kausap niyang sales lady.

“Umalis muna siya, mga ilang minutes din ‘yun, nu’ng bumalik siya, e, meron na siyang dala-dalang prescription! Ang bilis niyang nakakuha!

“Hindi pa rin siya binigyan ng kailangan niyang gamot, yellow prescription pala ang kailangan kapag ang medicine na ‘yun ang binibili, pero nagpipilit ang female personality na bigyan siya!

“Sabi ng sales lady, ‘Puwede ko po bang makuha ang phone number ng doktor na nag-issue sa iyo nitong prescription?’ Ang naiinis namang sagot ng female personality, ‘Why? Why do you have to give you my doctor’s contact number?’

“Sabi uli ng sales lady ng drug store, ‘Kailangan po. Kailangan naming makuha ang number niya para ma-check namin sa PDEA kung authorized siyang mag-issue ng prescription.’

“Nakakaloka! Nu’ng marinig ng female personality ang word na PDEA, e, bigla niyang hinablot ang hawak na prescription ng sales lady, saka mabilis na siyang bumalik sa van niya! Nakatingin sa kanya ang lahat ng nandu’n, hindi siya makapagdedenay, maraming nakarinig sa usapan nila ng sales lady ng drug store!” detalyadong kuwento ng aming source.

Nagtanung-tanong ang aming impormante, “Naku, kaya naman pala siya natakot, mabubuking pala na wala sa listahan ng PDEA ang name ng doktor na nagbigay sa kanya ng reseta!

“Ipinang-i-inject ang gamot na binibili niya, maselan ‘yun, ibinibigay lang ‘yun ng mga doktor kapag talagang kailangan lang ng pasyente!

“Nakakaloka talaga ang babaeng ‘yun! Tinatakan na siya ng mga taga-drug store, sa totoo lang!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

AiAi hindi na inaatake ng pangangati

May apat na taon nang puro organic ang kinakain ni AiAi delas Alas. Saksi kami du’n. Hindi na siya kumakain ng karne, marami siyang iniiwasang kainin, dahil sa kanyang psoriasis.

Mula nang sundin niya ang ganu’ng proseso ay hindi na siya inaatake ng pangangati ng katawan, hindi rin siya nagkakasakit, dahil puro natural at organic lang ang kanyang kinakain.

Kasabay ng pag-ayos ng kanyang kundisyon ang pagkalungkot naman ng Comedy Concert Queen dahil mauudlot ang pagkakaroon nila ng anak ni Gerald Sibayan sa pamamagitan ng in vitro.

Siya rin kasi ang magdadalantao, kailangan niyang uminom ng mga gamot para palakasin sila ng kanyang dinadala, na hindi puwede dahil mula nang puro organic na ang kanyang kinakain ay hindi na halos siya umiinom ng gamot.

Paano nga naman kung muling umatake ang kanyang psoriasis, hindi siya puwedeng uminom ng mga gamot dahil makasasama ‘yun sa kanyang dinadala, kaya napakalungkot ngayon ng komedyana.

Seryoso na nilang pinag-usapan ng kanyang asawa ang posibilidad ng hindi na nila pagkakaroon ng anak dahil sa health reasons, malungkot si Gerald, pero nauunawaan naman nito ang kundisyon ng kanyang misis.

Malakas ang pananampalataya ni AiAi delas Alas, maraming pagsubok na ang kanyang pinagdaanan na nalampasan niya, hindi siya bibitiw sa kanyang paniniwala na kapag niloob ng Panginoon ay walang maaaring humarang.

Na totoong-totoo naman.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with