^

PSN Showbiz

Bea mahihirapang palitan si Gerald?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Bea mahihirapang palitan si Gerald?!
Bea

Buti naman kung totoo ngang naka-move on na si Bea Alonzo sa nakapakalungkot at kontrobersyal na kabanata ng pag-ibig niya with Gerald Anderson. Ang sigurado, mahihirapan siyang muling magkaro’n ng relasyon. At sana dumami pa ang mga project para makatulong sa patuloy na healing niya.

Zoren gagampanan ang ginawa ni Tirso Cruz III

Babalikan din ni Zoren Legaspi ang kanyang pag-aartista via the remake of the Nora Aunor/Tirso Cruz lll blockbuster movie in the 80’s Bilangin Mo Ang Bituin sa Langit.

Lately ay sa pagdidirek nakatuon ang pansin ng padre de familia ng mga Legaspi pero, isang napakagandang alok ang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network sa pamamagitan ng isang bagong terelserye, ito ngang Bilangin.... Gagam­panam niya ang role ni Pip at ni Nora Aunor ni Mylene Dizon. Meron bang makakatanggi sa ganitong importanteng project?

Kung noon ay si direktor Elwood Perez ang ang nag-handle ng film, ang serye ay hahawakan ni Laurice Guillen, kasama ang mga bagong karagdagang cast – ang nagbabalik ding sina Isabel Rivas at Divina Valencia, Gabby Eigenman, Ina Feleo at Kyline Alcantara.

Kyle at Francine malalaman kung gaano kasikat

Excited ang mga millennial fans, hindi kasi nila alam kung kung ano ang aasahan nila sa iWant series na Silly Red Shoes na magtatampok sa kalahating bahagi ng Gold Squad na sina Kyle Echarri at Francine Diaz. Hindi man sila magtatapat ng Andrea Brillantes/Seth Fredelin tandem na mayro’n ding movie sa iWant, still the result of the series will determine who between the loveteams ang may mas maraming follo­wers.

Maymay at Edward magpapaiyak sa MMK

Kitang-kita ang pagpapatuloy ng tambalan ng MayWard na maiangat ang tambalan sa pamamagitan ng madalas na pagsasama nila, mapa-showbiz man o hindi.

Supportive si Edward Barber sa mga solo project ni Maymay Entrata maski na ‘yung tungkol sa pagrampa nito bilang fashion mode. When Edward made a fantasy series, magkasama silang dalawa behind cameras. Nakikita ng manonood ang effort nila para mapagaling ang sarili nila sa mga role na tinatanggap nila.

Ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya, isang di malilimutang pagganap ang ipamamalas ng MayWard bilang kabataang sinubok ang pag-iibigan ng isang malubhang sakit. Sinasabing ang portrayal ng dalawa sa MMK ay magtataas ng kanilang antas bilang mga artista.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with