Lagot... Singer na dating sweet ang image, walang ginawa kundi bumira sa gobyerno!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2019 - 12:00am

Nagbabago talaga ang tao sa pag-usad ng panahon. May personalidad na sweet na sweet ang imahe nu’ng una pero biglang nagbabago ang dating sa paglipas ng mga taon.

Isang singer-actress na may sweet image ang naging paksa sa isang malaking umpukan isang gabi. Manghang-mangha ang mga nandu’n kung bakit at paano biglang nagbihis ng image ang magandang female persona­lity.

Sabi ng isang nandu’n, “Naaalala ko pa ang napaka-sweet niyang image nu’ng nagsisimula pa lang siya. Isa siya sa beautiful faces nu’n, walang mali sa itsura niya, magaling pa siyang singer.

“Hanggang sa eventually, e, umarte na rin siya, magaling siya, ha? Bibihira ang tulad niya na angat na sa pagiging singer, e, ang galing-galing pang umarte!” pag-alala ng impormante.

Hanggang sa nagpakasal na ang singer-actress, pero hindi nagtagal ang pagsasama nila ng kanyang mister, hindi kumpirmado pero may mga ali­ngasngas na kumalat na ang hindi nila pagkakaroon ng anak ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Pagkokomento naman ng isa pang nasa umpukan, “Kaya nga nakapagtataka kung bakit ngayon, e, naging maasim na ang image niya. Havs na siya nang havs ng sasabihin, nakikipag-argumento siya, masyado na siyang nagiging mulat sa pulitika!

“Ang dami-dami kaya niyang nakakaaway ngayon! Talagang nakikipagbimbangan siya sa mga kumakalaban sa kanya! Marami siyang hanash, natural, marami rin siyang bashers!

“Bakit kaya hindi na lang siya kumandidato sa kahit anong position, tutal naman, e, parang ang dami-dami na niyang alam about politics!

“Nakakapanibago siya! Ang sweet-sweet ng image niya nu’n, tapos ngayon, e, nagkakaganyan na siya? Hindi ba siya masyadong busy sa trabaho niya?

“Bakit parang nakatira na siya sa social media? Meron lang siyang napansing kung ano, e, agad na siyang naka-post ng mga pagbira niya sa mga itinuturing niyang kalaban?

“Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig! Meron kasi siyang karelasyon ngayon na mulat na mulat sa mga problema ng ating bayan, kaya ayun, naimpluwensiyahan na rin siya!

“Nami-miss namin ang simple girl na may mga simpleng dreams lang nu’n. Ngayon, puro pakikipag-argumento ang ginagawa niya, hinahamon pa siya ngayon ng magtrabaho na rin siya sa gobyerno para malaman niya kung anu-ano ang problema talaga ng ating bayan.

“Lagot!” pagtatapos ng aming impormanteng namamangha pa rin sa pagbibihis ng imahe ng female personality.

Ubos!

Rap Fernandez mas may interes sa photography

Mga tatlong taon pa lang siguro si Rap Fernandez nang una namin siyang makitang nilalaro-laro ang mga naka-aquarium na isda ng namayapa niyang amang si Rudy Fernandez sa garden ng kanilang bahay sa White Plains.

Kulot na kulot ang kanyang buhok, makinis na makinis, magiliw siya sa kanilang mga bisita na malayo sa kapatid niyang si Renz na may pagkamahiyain.

Nagtapos muna siya ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University bago siya pumasok sa pag-aartista, ‘yun kasi ang pakiusap nina Daboy at Lorna Tolentino sa kanilang mga anak, ang magkaroon muna ng diploma.

Naglaan ng panahon si Rap na dumalaw sa Take It... Per Minute (Me Ganu’n) nu’ng nakaraang Martes nang tanghali. Kahit may kontrobersiya sa pagitan nila ng pamilya ni Kisses Delavin ngayon ay hindi ‘yun ang dahilan ng pagsadya niya sa aming programa.

Gusto lang daw niyang mag-observe kung paano tumatakbo ang talk show na pinanonood lang niya sa FB. Halakhak nang halakhak si Rap kapag umaarya ng pagkokomedya si Manay Lolit Solis na kapamilya na ang turing nilang mag-anak.

Hanggang sa hinila na rin namin siya nina Manay Lolit at Mr. Fu na maupo sa TIPMMG, pumayag siya, at napag-usapan nga namin na malapit na silang magkaayos ng mga Delavin dahil may meeting na sila ni Rams David na bagong manager ng young actress sa Triple A Productions.

Biglang naging tagahanga ni Rap ang mga nandu’n sa set, lalo na si Tina Roa, ang aming PA na nagsabing napakamarespeto ng aktor. Dalawa na ang dakilang pag-ibig ngayon ni Tina, si Keempee de Leon at si Rap Fernandez, na parehong mabait at mapagpahalaga sa kanilang kapwa.

Photography ang hilig ni Rap, may mga ipinakita siyang piyesa sa amin na kuha niya habang nasa bundok, punumpuno ng mga bituin ang retrato na mas lumutang pa dahil sa madilim na gabi.

Magaling!

RAP FERNANDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with