Bea and Angelica
Bea nakaka-move on na, pero walang bagong dyowa! Angelica pahinga rin muna sa relasyon
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mabilis lumayas sa presscon ng Unbreakable sina Bea Alonzo and Angelica Panga­niban dahil may hinahabol pa raw silang promo.

Ang leading man lang nilang si Richard Gutierrez ang nagpa-interview after the presscon.

Lahat sana ay gustong makausap ang dalawa dahil nga sa isyung nakadikit sa kanila ngayon.

Pero sinagot naman ni Bea ang tanong kung nakaka-move on na siya.

Oo naman daw. “Hindi kailangang patunayang magka-dyowa ka para maka-move on!

“Mas marami pang dumating na blessings sa buhay ko maliban sa dyowa!” sabi ng aktres na matagal pinag-usapan ang ghosting issue sa kanya ng ex na si Gerald Anderson.

Sinabi naman ni Angelica na wala siyang bago dahil ‘di pa rin siya ready at   ipapahinga muna niya ang puso niya.

Anyway, first time ng magkaibigan na magsama sa pelikula.

Kuwento ang Unbreakable ng isang pagkakaibigan na magkakaroon ng challenge when they marry into the same family. Kayanin kaya nila ang tests ng kanilang friendship?

“We don’t usually tackle these things but it’s very relatable. It’s very now,” sabi ni Direk Mae Cruz-Alviar.

“I’ve been a fan of her movie and I’m really happy that we already have one,” sabi ni Bea sa reunion project with blockbuster director after ng kanilang hit series na Maging Sino Ka Man noong 2006 pa.

For Angelica, “God made this dream of us to work with each other come true. Maybe not in the easiest way, but it happened. It’s happening.”

Mapapanood ang Unbreakable sa November 27 in cinemas nationwide and on other part of the world.

ANGELICA PANGANIBAN BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with