Sarah sama sa Trobol
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2019 - 12:00am

Seen: Hindi na itutuloy nina AiAi Delas Alas at Ge­rald Sibayan ang pagkakaroon nila ng sariling anak. Kahapon sa renewal niya bilang endorser ng Hobe noodle products ipinagtapat niya na health reasons ang dahilan ng desisyon nila ni Gerald. Muntik nang mapaluha si AiAi sa malungkot na pasya nila ni Gerald pero para raw ito sa ikabubuti niya at sari­ling kapakanan.

SCENE: Baby boy ang term of endearment ni AiAi kay Coco Martin, ang producer, direktor at co-star niya sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, ang official entry nila sa 45th Metro Manila Film Festival. Magaling, relaxed at masipag na direktor si Coco ang mga papuri ni AiAi sa Ang Probinsyano actor / director.

SEEN: Si Sarah Lahbati ang special guest sa grand opening ng biggest branch ng Family Mart convenience store sa Bonifacio Global City, Taguig noong Miyerkules. Tiniyak ni Sarah na mga ring bearer sa kasal nila ni Richard Gutierrez ang kanilang mga anak na sina Zion at Kai.

SCENE: “Why do you have to leave?” ang tanong ni Zion sa kanyang nanay na si Sarah Lahbati nang lumipad ito sa Europe para kunin ang wedding dress na gagamitin niya sa kasal nila ni Richard. Ibinalita rin ni Sarah na cast member din siya ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon at marami ang action scenes na ginawa niya.

SEEN: Pamagat na rin ng pelikula ang Sana All, ang favorite expression ngayon ng millennials. Ang Sana All ang title ng youth oriented movie na mula sa direksyon ni Bona Fajardo at bida sina Andrew Muhlach at Arvic Tan.

SCENE: Si Arnell Ignacio ang gumanap na Padre Damaso sa pelikulang Damaso na nagbukas kahapon sa mga sinehan. Naniniwala si Arnell na may mga Padre Damaso pa rin sa paligid natin.

AIAI DELAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with