AiAi
AiAi nagkakasakit ‘pag nasasayaran ng ‘synthetic’
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2019 - 12:00am

Hindi na pala itutuloy ni AiAi delas Alas ang pagbubuntis sa 2020.

May kinalaman kasi sa kalusugan niya, kaya mahirap daw kung magbuntis siya.

Ito pa naman ang pinaghandaan ni AiAi na by 2020, mabubuntis siya. Pero napagdesisyunan na nga raw nilang mag-asawa na hindi na muna siya magka-baby dahil nga sa kalusugan niya at ang magiging baby nila ni Gerald.“Isang gabi, nagkaroon kami ng konting tampuhan na hindi naman ano…nagkaroon kami ng parang bull session na sabihin ko lang kung ano yung gusto mo. Isa yun sa pinag-usapan namin,” pakli ni AiAi nang makausap namin sa renewal ng kontrata niya bilang endorser ng Hobe.

Apat na taon na kasing organic lang ang kinakain ni AiAi dahil sa kanyang sakit na Psoriasis.

Gumaling siya sa sakit na iyun, pero dapat na ma-maintain niyang organic ang kinakain para hindi bumalik at may mga allergies pa siya. Medyo maselan at mahirap kung may ipinagbubuntis siya. Bukod pa riyan, aminado naman siyang hindi na siya bata, kaya ipagpaliban na lang daw muna nila.

“Na-stress din ako kasi minsan nagkakaroon ako ng biglaang sakit…eh pag buntis ka, hindi ka naman puwedeng uminom ng gamot eh. Saka kasi ang katawan ko ‘organic’? So, pag sinasapian ako ng mga synthetic, nagkakasakit ako. Kawawa naman yung baby. Siyempre yung baby, pag nasanay sa organic na kinakain ko, paano na siya?, sabi pa ni AiAi.

Ang asawa na niya mismo ang nagsasabing huwag na muna dahil nga sa ganung problema.

Basta nandiyan pa rin daw ang plano nila ni Gerald na magka-baby pa sila kahit sa anong paraan.

Kaya itutuloy na raw niya next year ang soap na gagawin niya sa GMA, pero hindi pa siya sure kung may Sunday Pinasaya pa ba siya.

May pang-MMFF siyang Tripol Trobol nila ni Coco Martin at Jennylyn Mercado.

Rap naghahanap ng kopya ng bitayin…

Gusto nang mag-move on ni Rap Fernandez sa isyu ng ipina-stop na tseke ng Mommy ni Kisses Delavin. Nakaranas din siya nang matinding pamba-bash na meron pa raw ang iba na subtle pang may threat sa anak niya. Kaya gusto na raw niya sanang ipa-blotter ito.

Pero baka magkaayos na sila pagkatapos nilang mag-usap kasama ang bagong manager ni Kisses na si Rams David ng Triple A.

Ang isa pala sa pinagkakaabalahan ngayon ni Rap kasama ang kapatid niyang si Renz ay ang archive at filmography ng parents niyang sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.

Nabili na ng ABS-CBN 2 ang mga pelikula ni Kuya Rudy, pero gusto itong kumpletuhin ni Rap.

Ang wala lang daw talaga siyang kopya ngayon ay ang launching movie ni Kuya Rudy na Bitayin si Baby Ama na ginawa pa niya nung 1976. Gusto raw niya sanang i-remaster ito.

Kaya nang mag-guest siya sa Take It, Per Minute! (Me Ganun) na digital talk show nina Manay Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu, nanawagan siya na baka meron daw may hawak ng kopya ng naturang pelikula, baka puwede raw ibenta na sa kanya.

Isa yun sa mga pelikula ng Papa niya na gustung-gusto niyang ma-restore.

AIAI DELA ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with