^

PSN Showbiz

Jessy tanggap na ni Ate Vi na miyembro ng kanilang pamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jessy tanggap na ni Ate Vi na miyembro ng kanilang pamilya
Jessy and Vilma

MANILA, Philippines — Kamakailan ay magkasamang nagbakasyon sa Taiwan sina Luis Manzano at Jessy Mendiola upang ipagdiwang ang kaarawan ng ina ng aktor na si Vilma Santos-Recto. Nakasama rin ng magkasintahan ang kanya-kanya nilang pamilya kaya talagang masaya ang naging selebrasyon. “Nag-celebrate kami ng birthday ni Momski (tawag nina Luis at Jessy kay Vilma) sa Taiwan with the family and sobrang saya at special kasi first time ko mag-out of the country with Momski. Ang dami ko rin na-discover na similarities namin because of this trip. You deserve all the love Momski because you are a blessing to everyone around you,” nakangiting pahayag ni Jessy.

Masayang-masaya naman si Luis dahil pi­naunlakan ng aktres ang imbitasyon na isama ang pamilya sa nasabing bakasyon. “Masaya nga kasi nakikita ko kayo. Kumbaga gustung-gusto ko ‘yung nahahayaan ko kayo nasa isang table tayo, nag-uusap kayo. May sarili kayong kwentuhan and for me kung nakikita mo ‘yung fulfillment mo na I get along with your family. Gano’n din sa akin na kumbaga kaya ko kayong panoorin na nagtatawanan kayo, nag-i-enjoy kayo,” paglalahad ni Luis.

Mahigit tatlong taon nang magkarelasyon sina Jessy at Luis kaya mahal na mahal din naman ng kanya-kanyang pamilya ang bawat isa. “Miyembro na naman siya ng pamilya,” maikling pahayag ni Ate Vi.

Khalil, hindi agad nag-sink in ang ginawa sa dead kids

Halos hindi makapaniwala si Khalil Ramos na naging bahagi siya ng pelikulang Dead Kids na mapapanood sa Netflix. Isang malaking karangalan umano para sa aktor na mapabilang sa kauna-unahang Filipino Netflix original film. Mapapanood ang naturang digital movie simula December 1. “It’s crazy, ngayon lang talaga nagsi-sink in. We just got the trailer a couple of days ago. And we knew months ago that we’re good to go on Netflix pero it’s crazy. It’s huge, and we didn’t expect it to be this huge,” bungad ni Khalil.

Personal na nagpadala ng mensahe si Khalil sa direktor nitong si Mikhail Red upang mag-audition para sa nasabing proyekto. “I auditioned, I texted Mik out of the blue when he posted a casting call audition for the role. And sobrang it’s just a big turn of events for me. And I’m really excited, I’m really honored. And to be able to share this with everyone, all the Filipinos,” kwento ng binata.

Ayon kay Khalil ay kailangang mapanood ng mga Pinoy ang kanilang bagong digital film dahil sumasalamin ito sa buhay ng mga kabataan ngayon. “Dead Kids is kind of a reflection of the Filipino youth, of our generation and how our decisions are just sometimes super wrong. It is a cautionary tale and whenever we talk about Direk Mik about it, that’s what he always says. So maraming makukuha ang mga Pinoy in terms of sa mga hindi nila pwedeng gawin sa buhay,” pagtatapos ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JESSY

VILMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with