Over overweight ha?! Karla kailangan ng knee replacement?
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

Nag-joke si Manay Lolit Solis kahapon na kung ayaw ng fans ng The Gift ni Alden Richards si Sen. Bong Revilla na magkaroon ng special appearance sa nasabing drama series, sa Ang Probinsyano na lang niya ipapasok ang alagang senador / actor.

Bayolente nga kasi ang reaction ng ibang fans sa nasabing balita kaya ayon sa source, malamang na hindi na ituloy ang pagsali ni Sen. Bong sa   drama series ng GMA.

Sa episode 40 ng Take It... Per Minute! (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu ay isa nga yun sa pinag-usapan. Pero may meeting daw sila with GMA next week pahabol ni Manay Lolit.

 Meron din daw gaga­wing movie si Sen. Bong kasama ang isang box office young actress sa isang mala­king movie company.

Pero pag ang pinag-uusapan ay ang tungkol sa daddy niyang si Rudy Fernandez naiiyak pa rin si Rap. Pinigilan lang talaga niyang umiyak kahapon nang mag-guest siya sa TIPMMG.

Anyway, may pini-pitch din siyang tatlong story sa iWant  at hoping siyang may mapili kahit isa lang.

Anyway, sa mga hindi nakapanood ng Take It... kahapon, mag-like and follow lang sa official Facebook page ng Pilipino Star NGAYON and PSN Latest Chika at maki-team replay.

Naniniwala rin sila na hindi kayang patigilin ni Pastor Quiboloy  ang awayan ng magkakapatid na Barretto na naunang pinatulan si Vice Ganda nang sabihin nitong patigilin nito ang traffic sa EDSA at ang Probinsyano.

Eh si Manay Lolit walang planong papigil kay Pastor sa panghaharbat. Malamang daw hingan niya pa ang controversial pastor pag pinatigil siya nito.

Pinag-usapan din sa TIPMMG si Karla Estrada na controversial ang lovelife dahil nga diumano’y ayaw ng anak niyang si Daniel Padilla ang boyfriend nitong personal driver niya. Pero isang source ang nagsabi na model naman daw ito at hindi driver lang.

Pero kuwento ni Nay Cristy na kailangan diumano ni Karla ng knee replacement dahil hindi na raw  kaya ng tuhod nito ang weight nito.

Nag-umpisa ang lahat sa blind item ni Mr. Fu tungkol sa actress na nang magbihis daw sa kanyang kotse ay talagang gumalaw-galaw ang sasakyan nito kaya akala ng mga nakakita ay kung ano ang nangyayari sa loob ng kotse dahil kasama nitong pumasok ang boyfriend na si Jam Ignacio. So talagang nagmalisya na raw ang mga nakakita dahil sa paggalaw ng kotse. Pero lumabas din naman daw at kasunod nilang bumaba ang PA ni Karla kaya baka raw yumanig lang ang kotse nito dahil overweight na ang TV host na kung pagandahan naman ng face ang labanan ay winner na winner.

Samantala, nagkuwento si Rap Fernandez sa totoong nangyari sa kanila ni Kisses Delavin matapos ang controversy sa pagputok ng water valve sa condo unit ni Lorna Tolentino na pinamana kay Rap.

Kahapon nga ay nag-usap na sila ng kampo ni Kisses.

Mr. Fu, Lolit, Cristy, at Rap

 

KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with