Angel
Angel hindi nagparamdam sa ‘family’
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pansin na pansin ang absence ni Angel Locsin sa super trending na Christmas station ID ng ABS-CBN na Family is Forever.

Tanong ng mga netizen, bakit wala si Angel eh halos lahat ng artista ng Kapamilya network ay may exposure / participation sa Family is Forever.

Walang update si Angel sa kanyang social media account kung bakit absent siya 2019 Christmas ID ng Kapamilya Network.

Maalalang hindi rin naki-join si Angel sa ABS-CBN Ball. Diniretso niya ang tulong sa Bantay Bata Foundation na beneficiaries nito.

Ang ganda pa naman ng mensahe ng Family is Forever.

Pero nasa ASAP Rome naman ang actress na katatapos lang sa The Gene­ral’s Daughter.

Anyway, recently lang nang purihin ang ginawang pagtulong ni Angel sa mga nilindol sa Mindanao. Halos isang truck na relief goods ang pinamili niya na pinamigay niya sa mga biktima ng lindol kasama ang fiance niyang si Neil Arce.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with