Kisses at Rap nagkaayos na!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

Nag-reach out na si Rams David, ang bagong ma­nager ni Kisses Delavin sa Triple A dahil mag-uusap na sila ni Rap Fernandez tungkol sa mga issue o baka nga nakapag-usap na sila Salve.

Makikipag-meeting na si Carrie, ang mother ni Kisses para i-clear ang mga bagay-bagay.

Masuwerte si Kisses dahil napaka-professional ng approach ng Triple A at talagang pati ang bagay na ito ay gusto nilang maayos.

Siguro naman tatahimik na ang mga basher na nag-over react sa isyu na madali lang naman ang solusyon.

Grabe ha, kung magmura wagas, parang be all and end all ng buhay nila ang nangyari. Naloka ako, mabuti na lang, nagkaroon ako ng diversion habang ngarag kung may nag-hack ba ng Instagram account ko o kailangan lang talaga na i- refresh ang phone ko or dapat iPhone 11 na ang gamitin ko na cellphone?

‘Nakakaloka ang ig’

Kaloka talaga kapag hindi techie. Nagising ako na wala ang Instagram account na gamit ko as in hindi ko mabasa at may advice na “You give a number to protect your IG” kaya hindi ko alam ang gagawin.

Nagkita kami ni Ali Sotto sa Metrobank at sa kagustuhan niya na tulungan ako, kinalkal niya ang cellphone ko.

Lahat tinanong niya, ano ang password, Apple ID at saan ang app pero hindi ko alam ang lahat ng sagot.

At nagkaroon lang ng liwanag nang magkita kami ni Randolf kahapon sa Take It... Per Minute! (Me Ganun).

Ready to eat meals, madali nang nanapin

MANILA, Philippines — Nagulat ako na magpunta ako sa All Day Convenience store dahil may mga tinda na sila na ready-to-eat  meals tulad ng rice at ulam. May mga pagkain din na para sa meryenda gaya ng turon, pansit at spaghetti.

Obvious na alam ng management ng All Day Convenience store na sobrang busy na ngayon ng mga tao kaya available na rin sa branches nila ang mga ready-to-eat meals na very affordable ang presyo.

Available na rin sa  ibang  mga convenience store ang ready-to-eat meals at okey  rin ang presyo kaya  marami ang mga estudyante na nakikita natin na bumibili ng pagkain.

At strategic ang location ng All Day Convenience stores ang isang gustong-gusto ng mga tao dahil madaling makita at very safe. Usual­ly, nasa mga condo building ang branches ng All Day na secured na secured dahil napapalibutan ng security guards.

Bongga talaga ngayon, basta may pambili ka, madali nang bumili ng pagkain, napakarami ng mga pagpipilian at hindi na kailangan na magluto pa.

KISSES DELAVIN RAMS DAVID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with