Ion and Vice
Female singer nasasapawan na sa kakapatol sa bashers
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napag-iiwanan na ng kanyang mga kakontemporaryo ang isang hindi pa naman katagalang nagkampeon na female singer sa isang labanang sinalihan niya.

Maraming kumontra sa kanyang pananalo, may ibang minamanok ang ating mga kababayan, pero wala na silang magagawa dahil ang female singer ang ipinanalo ng mga hurado.

Magaling naman siyang mag-perform, pero maraming nakakapansin na atityudera na ang female singer, bukod pa sa may sarili siyang mundo.

Kuwento ng isang source, “Hindi siya marunong makihalubilo sa mga kasamahan niya, palibhasa, e, galing siya sa isang malayong probinsiya. Parang na-culture shock siya!

“Napag-aaralan naman ‘yun para hindi siya nasasabihang suplada pero mula nu’n hanggang ngayon, e, hindi pa rin naman siya gumagawa ng hakbang para magbago ang impression sa kanya.

“Ganu’n pa rin siya, hindi nakikipag-usap sa mga kasamahan niya, basta nasa isang tabi lang siya, hindi kumikibo. Bihirang-bihira rin siyang ngumingiti, napakamahal ng tawa niya!

“Natural, kapag ganu’n na siya na mismo ang lumalayo, e, sino pa ang makikipaglapit sa kanya? Kapag ganu’n na may sarili siyang mundo, e, sino pa ang magta-try na makipagkaibigan sa kanya?” kuwento ng aming impormante.

Mahilig din siyang sumagot sa mga bashers niya, marami nang nagpapayo sa kanya na huwag nang magbigay ng reaksiyon para hindi na siya pagpistahan, pero may katigasan ang ulo ng female singer.

Patuloy ng aming impormante, “Hindi niya nababantayan ang emotion niya, bira lang siya nang bira, bashers will always be bashers, di ba?

“Wala siyang pakialam sa mga nagpapayo sa kanya, sagot pa rin siya nang sagot, pailalim ang atake niya na kunwari, e, naiintindihan niya ang basher pero nananakit din siya!

“Ano tuloy ang nangyayari ngayon? Nasasapawan na siya ng mga kaedad niyang singers! Namamayagpag na sila, pero ang girl na ito, e, napag-iiwanan na!

“Magaganda pa naman ang mga bagong discovery, magaga­ling pang kumanta, kaya iwan na iwan din siya sa itsura! Du’n siya masyadong affected, kapag may basher na kumukuwestiyon sa itsura niya!

“Mas mabuti pang tantanan na niya ang pagpatol sa mga namimintas sa kanya, mag-rock na lang siya nang mag-rock, tutal naman, e, du’n siya masaya!” pagtatapos ng aming impormanteng nakataas ang kilay.

Ubos!

Forever nina Vice at Ion, hindi pinaniniwalaan!

Seryosong pinag-usapan nina Ogie Diaz at Vice Ganda ang pagkakaroon ng anak. Maganda ang punto ng dating manager ng sikat na komedyante-TV host, sa kanyang pagtanda ay may makakasama siya, kamay at hindi tungkod ang aalalay sa kanya.

“Paano ko naman gagawin ‘yun?” tanong ni Vice kay Ogie. Sagot ng manager, “Alam kong hindi mo kaya, pero marami namang paraan para magkaanak ka.”

Hanggang sa napag-usapan na nila ang invitro, semilya ni Vice Ganda ang itatanim sa bahay-bata ng mapipili niyang babaeng magdadalantao para sa kanya, sa mga panahong ito ay hindi na kuwestiyon kung magkano man ang magagastos dahil bilyonaryo na ang sikat na komedyante-TV host.

Hindi naman nakatitiyak si Vice na may forever sa kanilang relasyon ngayon ni Ion Perez. Hindi nila hawak ang bukas. Pagkainit-init ng kanilang pagmamahalan ngayon pero paano kung dumating ang panahon ng taglamig sa kanilang relasyon?

Ganyan ang pinapangarap na relasyon ni Vice Ganda, ‘yung ginagawa siyang babaeng-babae ng kanyang boyfriend, ‘yung hinihigpitan siya at babae talaga ang turing sa kanya.

Ipinagsisigawan ni Vice na mabait si Ion, pero sa kabila nu’n ay marami pa ring kumkuwestiyon sa ipinakikitang pagmamahal sa kanya ni Kuya Escort, nag-iipon lang daw ang binata at iiwan din siya pagkatapos.

Masakit ang mga paghusga, hindi hawak ninuman ang puso ni Ion Perez, paano kung hanggang sa kanilang pagtanda ay magkarelasyon pa rin sila?

May mga kilala kaming magkarelasyong lalaki at becki na bumibilang na nang maraming dekada. Sila pa rin hanggang ngayon, nagtutulungan sila sa pagnene­gosyo, nagkakaedad na sila pero totoong-totoo na hindi tumatanda at napapagod ang puso sa pagmamahal.

ION PEREZ VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with