Annabelle at Ruffa sumuporta kay Cindy
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

SEEN: Sinuportahan nina Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez ang red carpet premiere ng Adan noong Lunes sa Cinema 1 ng SM Megamall. Close friends sina Ruffa at Cindy Miranda, ang bida sa Adan. Nagandahan si Annabelle sa pelikula kahit shocking ang mga love scene nina Cindy at Rhen Escano. Madugo rin ang mga eksena na binigyan ng R16 ng MTRCB.

SCENE: Relaxed na si Cindy Miranda sa premiere night ng Adan dahil nag-sink na sa kanya ang mga eksena na ginawa niya sa launching movie nila ni Rhen Escano. Wala na ang bothered look niya.

SEEN: Kasama ni Rhen Escano sa special screening sa UP Film Center at sa premiere night ng Adan ang boyfriend niya. Aprubado sa boyfriend ni Rhen ang mga mapangahas na eksena na ginawa ng kanyang girlfriend.

SCENE: Dahil sa ingay ng Adan, may suggestion sa mga producer ng Viva Films, Aliud Entertainment at ImaginePerSecond na gumawa ng pelikula na may pamagat na Eba na pagbibidahan ng dalawang aktor na tunay na lalaki at gaganap na gay lovers tulad ng mga karakter nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover noong 2013.

SEEN: Si Ivan Padilla ang love interest ni Louise Delos Reyes sa My Bakit List, ang bagong pelikula ng direktor na si Bona Fajardo na may playdate sa December 4, 2019. Co-star nila si Prince Stefan.

SCENE: Solo na lumipad kahapon si Bela Padilla sa Estonia dahil dadalo siya sa Tallinn Black Nights Film Festival na magaganap mula November 15 hanggang December 1, 2019. Si Bela ang lead actress ng Mañanita na official entry sa nasabing festival. Susunod na lamang sa Estonia ang Mañanita director na si Paul Soriano na nagsabi na ang pelikula ni Bela ang pinaka naiiba sa mga ginawa niya at itinuturing niya na pinaka-personal.

ANNABELLE RAMA RUFFA GUITIEREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with