Manny Pacquiao
Pacquiao, ‘In God’s Will’ ang sagot sa alok na mag-presidente siya!
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2019 - 12:00am

Michelle Dee, hinuhulaang mananalo sa Miss World

Aminado ang bussiness manager ni Sen. Manny Pacquiao na si Arnold Vegafria na ang daming nag-e-encourage sa boxing champion na kumandidatong presidente sa paparating na presidential election. Pero hindi pa raw ‘yun iniisip ng senador / boxer. “Hindi niya pa iniisip ‘yun. Well, maraming nag-e-encourage. Pero ang lagi niyang sinasabi, ‘in God’s will,” chika ni Arnold nang makausap namin last week sa send off presscon ni Miss World-Philippines Michelle Dee. Si Arnold din ang Miss World Philippines’ national director.

Bukod sa offer na pagpi-presidente ng bansa, marami rin daw movie offer ang senador. “May mga offer from other countries, dami eh, iba-iba. May Hollywood, may Hong Kong, may China, marami eh.

“Karamihan action. Pero siyempre priority pa rin niya ang senate, ang public service niya.”

Pakiramdam din ni Arnold, may pressure na si Floyd Mayweather sa hinintay na rematch nila ni Sen.Manny. “I’m sure meron din ‘yan. We’re just waiting for Mayweather. Di ba nga hinahabol na siya ni Sen. Manny? Siguro may pressure na si Mayweather.”

Anyway, kuwento rin ni Arnold na handang-handa na rin si Michelle sa laban nito sa Miss World sa London on December 14 na pakiramdam niya ay malaki ang chance “because sa mga pageant blogger she’s always on top.”

Plus ‘yung aura and personality raw nito, kakaiba.

Grabe raw ang preparation ni Michelle dahil na rin sa pressure sa mommy niya (Melanie Marquez) at cousin (Winwyn Marquez) niya na parehong nanalo.

ARNOLD VEGAFRIA MANNY PACQUIAO MICHELLE DEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with