Bong
Bong ayaw tantanan
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2019 - 12:00am

Nagkaroon ako ng chance to reflect pagkatapos ko magsimba noong Linggo.

Binasa ko ang lahat ng mga comment sa Instagram posts ko at totoo nga na kung medyo mahina ka as in emotionally weak, puwede kang ma-break ng mga masasakit na salita na bordering na sa pagmumura sa’yo ng bashers.

Malaking tulong na lumaki at nagkaisip ako sa kal­ye at sa tough neighborhood ng Sampaloc, nag-aral sa public school at lumaking contented kahit pa nga mahirap kami at talagang maraming bagay na hindi natikman na posibleng na­ging core ng personalidad ko.

Kuntento ako sa kon­ting bagay, hindi naghaha­nap at naniniwala kay God. Ang naawa nga ako, baka ang mga alaga ko ang apektado ng bashing dahil nga na­ging confrontational ako.

Sobra na ang mga bashing na ginagawa kay Senator Bong Revilla, Jr. Mabuti na lang, may alok sa kanya ang isang major movie company.

Makakasama ni Bong sa project ang isang box office young star kahit pa nga panay ang bashing at panlalait sa kanya ng mga sektor na hindi ko alam kung bakit galit na galit kay Bong.

Who is afraid of Bong Revilla? Bakit ayaw nila na muli siyang makabangon mula sa matitinding pagsubok na naranasan niya?

Ginagawa na ni Bong ang lahat para ipakita na hindi sayang ang second chance na binigay sa kanya pero bakit may mga tao, who want to stop him?

Why Jim Paredes? Isa ka nang Australian citizen, why the hatred? Bakit sobra-sobra ang galit mo kay Bong na wala naman ginagawa sa’yo na masama?

Punum-puno ng poot ang dibdib mo na bumalik sa’yo nang batikusin mo si Bong dahil ang mga tao ang nagpaalaala sa’yo tungkol sa video scandal mo.

Mabuti na lang, may mga project na offer kay Bong na patunay na may premium pa rin siya. Na mataas pa rin ang kanyang market value.

Mabuti na lang, nahalal pa rin si Bong na senador dahil kung hindi siya nanalo, baka maging broken spirit siya.

God has been good to Bong and his family. Daanin na lang sa dasal ang lahat, ipagdasal ang mga naninira sa kanya dahil baka-sakali na maging bashful na lang ang mga bashing sa kanya.

Maricel pinanindigan ang sinabi noon!

Sana naman marami ang manood ng The Hei­ress ni Maricel Soriano na mapapanood sa mga sinehan sa November 27.

Bihira nang gumawa ng mga pelikula si Maricel na nag-iisang Diamond Star kaya lahat ng mga project niya, sa TV at pelikula, talagang may katuturan.

Nakakabilib si Maricel dahil pinanindigan nito ang kanyang sinabi noon na basta okey na ang pamilya at pamumuhay niya, maghihinay-hinay na siya sa trabaho.

Bata pa lang si Maricel, sumabak na agad siya sa trabaho kaya hindi kataka-taka na nakaram­dam siya ng burnout o sa halos araw-araw na ginagawa niya sa buhay.

In fairness, nagbunga ng maganda ang pagi­ging masipag at matiyaga ni Maricel dahil kinikilala siya ngayon bilang isa sa mga respetadong aktres sa Philippine showbiz.

Nang ma-burnout si Maricel, nagpahinga muna siya sandali at nang ma-energize, pinipili na niya ang mga project na gagawin at offers na tatanggapin.

Ang The Heiress ang isang pagkakataon para sa lahat na mapanood muli ang mahusay na pagganap ni Maricel kaya tangkilikin sana ng mano­nood ang bagong pelikula niya sa Regal Entertainment Inc.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with