Janella, Maricel
Maricel ramdam ‘pag iniiwasan ng mga katrabaho
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2019 - 12:00am

Aware si Maricel Soriano na takot sa kanya ang mga batang artista dahil sa katarayan nito kapag hindi ka professional sa trabaho. Kilala siyang napaka-professional na katrabaho, kaya maingat ang mga batang artista sa kanya lalo na kapag nali-late sila nang dating sa set.

Maaga si Maricel  na dumarating sa set, alam ang gagawin sa mga eksenang kukunan, kaya kung aanga-anga ka, sorry ka na lang.

Pero thankful sina Janella Salvador at McCoy de Leon na kasama ni Maricel sa pelikulang The Heiress dahil ang dami raw nilang natutunan sa magaling na aktres.

Medyo takot daw sila nung una, pero si Maricel daw ang nagri-reach out na sa kanila para magkapalagayan sila ng loob.

Sabi naman ni Maricel, ramdam daw niya kasi na medyo umiiwas sa kanya ang ibang batang artista, kaya siya na ang lumalapit at kumakausap sa kanila.“Ang pumapasok na lang sa isip ko baka nahihiya lang sila.

“Pag nakita kong okay. Pero nakita kong hindi okay na medyo mahangin, eh di dun tayo sa aircon,” sabi ni Maria.

Ang lagi raw niyang sinasabi sa mga batang artista, tularan nila si Piolo Pascual.

 “Si Piolo kasi nung ginawa ko yung Mila, alam mo napaka-professional and very punctual.

“He’s always on the set na nagbabasa ng script, dala yung unan niya at nagmi-memorize ng script, walang kinakausap kundi yung script niya.

“Kaya ang sabi ko nung panahon na yun na sinasabi ko na to, na sana merong mga artista na baguhan o pumasok pa lang sa pag-aartista, tularan nila yung attitude na ‘yun,” sabi pa ni Maricel.

Natutuwa siya dahil maayos daw katrabaho sina Janella at McCoy, at nakikita niyang willing silang matuto.

Kaya ang saya lang daw nila sa set at ang gaan daw ng shooting nila kahit horror at mahirap ang ibang eksenang ginagawa nila sa The Heiress. Sa November 27 na ang showing ng The Heiress na dinirek ni Frasco Mortiz.

Jobert nadismaya kay Martin

Nag-emote si Jobert Sucaldito sa kanyang Facebook account kaugnay sa pananaw ni Martin Nievera sa pag-walk out ni Morissette Amon sa nakaraang birthday concert ni Kiel Alo na ginanap sa Music Museum kamakailan lang.

Sinabi kasi ni Martin sa isang interview na huwag daw isisi kay Morissette ang nangyaring problema sa concert na iyun dahil guest lang naman daw siya at hindi siya ang star ng concert.

Bilang producer ng concert na iyun, kaagad na sinagot ito ni Jobert na na-disappoint daw siya sa pahayag na iyun ng kaibigan niyang si Martin Nievera.

Porke’t guest lang daw, puwede na raw bang mag-walk out na lang basta kung gusto nito?

Bahagi pa ng Facebook post ni Jobert kahapon, “Nakakawalang-respeto naman ang mga artists na katulad nito -- kung sino pa yung inaasahan mong magtutuwid ng daan ng mga suwail na artists ay sila pa itong nagtu-tolerate ng mga kahunghangan nila.”

Pagdidiin pa ni Jobert, “Hindi ko sinasabing you have to side with me — ilagay lang natin sa tama ang mga bagay-bagay.

“Kailan ba naging tama ang mali, Martin? Sorry, ha — Tagalog ito at baka hindi mo maintindihan.

“Bayad ka na lang ng interpreter, tutal mayaman ka naman, eh.”

Tila pinapahaba pa ang isyung ito.

Tutal nag-apologize na si Morissette, siguro nasa moving on stage na dapat, at mas mabuting mag-focus na lang si Jobert sa susunod na concert ni Kiel na sinasabi naman ng mga nakapanood na kayang-kaya na raw ni Kiel ang malakihang concert.

JANELLA SALVADOR MARICEL SORIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with