Aktor consistent ang pagki-claim sa imaginary GF!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2019 - 12:00am

Hindi alam ng aming mga impormante kung nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan lang ang isang pamosong male personality o talagang pinaniniwalaan niya na talaga ang kanyang mga sinasabi.

Madalas kasi niyang sinasabi na meron siyang karelasyon, taon na raw ang binibilang ng kanilang pagmamahalan, pero hindi naman ‘yun pinaniniwalaan mismo ng kanyang mga katrabaho.

Kuwento ng aming source, “Ewan talaga, kahit ang mismong mga kaibigan niya, e, nawiwindang na rin kung paano nila iha-handle ang mga press release ng friend nilang male personality.

“Gusto nilang maniwala na totoo ‘yun, pero ang problema, kapag tinatanong naman nila ang girl na sinasabi nu’ng male personality, e, deny nang deny sa kanila!

“Naloloka rin ang girl dahil ang totoo, e, magkaibigan lang naman sila nu’ng male persona­lity, wala silang relasyon, ma­linaw ‘yun!” unang komento ng aming impormante.

Minsan ay tinext ng kanyang kaibigan ang male persona­lity, niyayaya siyang lumabas na kasama ang mga kaibigan nila, chilax-chilax lang sana sila sa isang bar.

Pero tumanggi ang guwapong male personality, mas nauna na raw kasi ang date nila ng female personality na sinasabi niyang karelasyon niya, kaya okey lang ‘yun sa tropa.

Patuloy ng aming source, “Nakakaloka! Hindi naman pala sila magde-date ng girl, obvious na nag-iimbento lang siya ng kuwento para hindi makasama sa bar with his friends. Paano ‘yun nalaman ng grupo?

“Sa isang bar na pinuntahan nila, e, nandu’n ang girl with her friends, nagkakasiyahan ang grupo, kaya may nagtanong sa female personality kung bakit hindi niya kasama ang imaginary boyfriend niya?

“Ang sagot ng girl, ‘Ewan ko du’n! Hindi naman talaga kami lumalabas, nagtataka nga ako kung bakit niya sinasabing madalas daw kaming mag-date?’

“Naloko na! May isang katropa ang male perso­nality na nagbu­king sa kanya, tinext niya ang guy, ‘Kasama namin si ____(pangalan ng female persona­lity na sinasabi ng male personality na girlfriend niya), akala ko ba, may date kayo?’

“Ang sagot ng lalaking personalidad, ‘Sorry, bro, nakatulog kasi ako!’ Nakakaloka siya, ha?  Tinulugan niya ang dapat na date nila ng girl na sinasabi niyang karelasyon niya!

“Naku, tantanan na niya ang pagdo-drawing, puro imbento lang naman ang sinasabi niya na may girlfriend siya, pero ang totoo, e, alam niya namang puro kuwento lang ‘yun na walang kuwenta!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden ‘pinapak’ ng fans sa Dubai

Siguradong masakit ang katawan ni Alden Richards sa kanyang pagbabalik mula sa Dubai. Pinagkukurot siya du’n ng mga kababayan nating sabik na sabik sa kanya.

Lalo na ngayong paganda na nang paganda ang takbo ng kuwento ng kanyang seryeng The Gift, mas nadagdagan ang interes sa kanya ng mga Pinoy sa iba-ibang bansa, mas tumaas ang premium ng Pambansang Bae.

Nakakapanabik ang pinakahuling eksenang napanood namin sa serye, nagpunta na sa bahay nina Sep si Nadia (Jean Garcia), ang kanyang tunay na ina.

Kagabi ay ipinalabas na ang karugtong ng tagpong ‘yun, me­ron kayang humarang sa kanilang pagtatagpo, dahil ang dami-da­ming pumipigil sa tunay na mag-ina para magkita at magkaalaman na ng kanilang mga lihim.

Ang galing-galing umarte ni Alden, ni minsan ay hindi siya naliligaw sa kanyang role bilang isang bulag, kinakarir ng Pambansang Bae ang kanyang pag-arte.

Napakalaki ng nagawa para kay Alden ng pagsasama nila ni Kathryn Bernardo sa pelikula, mas nanagana ang career ni Alden, siya ang gustong kunin sa mga corporate shows nga­yon pero hindi niya naman masagutan ang lahat ng mga imbitasyon dahil sasagasa ‘yun sa taping ng The Gift.

Ibang-iba talaga ang agos ng mga biyaya kapag maganda ang puso ng personalidad, patuloy ang kanyang tagum­pay, dahil nakatanim pa rin ang magkabila niyang paa sa lupa sa kabila ng kasikatan.

Walang ipinagbabago si Alden Richards, pinatutunayan ‘yun ng kanyang mga dating kaibigan at kaklase na ihinahanap niya pa rin ng panahon para makasama, mapagkumbaba ang guwapong aktor kaya naman nireregaluhan siya ng kapalaran.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with