Rossel & Ka Tunying
Ka Tunying tinuring na lang na blessing ang hindi nila natuloy na show ni Kris
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

By next month, magbubukas na ang ika-10th branch ng Ka Tunying’s Restaurant sa Tagaytay.

Yup, sampu na pala ang Ka Tunying’s na mabilis sumikat dahil sa may-aring si Anthony Taberna (Ka Tunying). Bukod pa sa nagkaroon ng malaking awareness nang pagbabarilin ang kauna-unahan nilang branch sa Visayas Avenue after a week of operation.

Walang casualty sa naganap na pangraratrat noon pero malaki ang nagastos ng ABS-CBN TV host para ipaayos ang nasira.

Hindi ba siya nagka-trauma sa nangyari?

“Tiningnan ko ‘yun sa isang positibong pananaw,” sabi ni Dos por Dos host na si Ka Tunying.

“Isang linggo pa lang kaming nagbubukas noon, wala namang intention na manakit. Ang nangyari lang, malaki ang nagastos ko. Nag-follow up naman ako sa mga police kung sino ‘yung mga yun.

“Natapos ang investigation na naka-hang ang resulta. Malabo ang CCTV eh. Inisip ko na lang na part ‘yun ng enrollment sa negosyo,” pag-aalala niya sa nangyaring insidente.

“Ginawa kong positive ‘yun dahil parang nagkaroon ng awareness ang mga tao na meron na palang Ka Tunying’s sa Visayas. Masakit nga lang sa bulsa ang awareness.

“Gusto ko sanang may result ang investigation pero wala eh.

“Nag-retire na nga yung nag-investigate,” pahayag pa niya sa launching ng Panlasang Makabayan last Friday sa SM North EDSA branch nila kung saan nagkaroon ng whole day activities para na rin sa re-branding ng kanilang restaurant.

Highlight ng event ang pagdating sa Panlasang Makabayan Day ng Ka Tunying’s ni Department of Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat.

Isa na nga kasing tourist destination ang kanilang restaurant. Aminado si Ka Tunying na ito ay matapos silang i-feature ni Kris Aquino sa TV show niya.

“Nang i-feature kami ni Kris sa Kris TV natandaan ng mga kababayan natin sa abroad. Pag-uwi nila, pumu­punta sila doon para kumain. Kasama na sa itine­rary nila.”

 So parang nagiging tourist destination na talaga?

“Kaya ngayon nag-a-apply kami sa DOT para ma-accredit kami  na restaurant na pupuntahan ng mga turista, sa mga lugar na may Ka Tunying’s.”

Ang target daw sana nila every year ay magbukas ng 3 branches. “Pero mukhang malalampasan namin kasi baka sa December magso-soft opening kami sa Tagaytay.”

Family-owned lahat ng branches at hindi pa sila nagpa-franchise.

Ayaw daw nilang mag-franchise dahil nga baka magka-problema sa commissary. “Nakakatakot po kasi baka hindi namin makaya tulad dun sa isang mabilis dumami, parang kabote, tapos bigla ding mga nagsara,” sabi niya tungkol sa isang restaurant na sumikat agad pero biglang nawala.

 Anyway, tinuring na lang ni Ka Tunying na blessing in disguise ang pagkaudlot ng show sana nila ni Kris Aquino.

“Kasama ako sa nanghinayang doon. Nag-shoot na kami ng ilang episode, maganda ang concept and timeslot.

“Siguro lahat ng bagay ay may dahilan. So nalungkot man ako dun dahil malaki ang kikitain ko, tinutu­ring ko ring blessing pa rin dahil baka kung natuloy ‘yun baka hindi ko naasikaso ang anak ko.”

Hindi na rin daw siya nagtanong noon kung bakit hindi sila natuloy ni Kris.

Ninang nila sa kasal ng misis na si Rossel si Kris kaya regular pa rin ang communication nila hanggang ngayon.

10TH BRANCH NG KA TUNYING’S RESTAURANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with