Mark & Aicelle
Aicelle ‘nawindang’ pagkakasal kay Mark!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

Ang sarap-sarap daw ni Mark Zambrano, isa sa nakakawindang na sagot ni Aicelle Santos nang bigyan siya ng bridal shower sa Studio 7 nung nakaraang Sabado, November 9.

Ang saya ng interbyuhan nilang iyun na kung saan game na game si Aicelle na sinagot ang mga naughty question sa kanya.

Ikinasal na silang dalawa kama­kalawa lang na ginanap sa El Jardin de Zaida sa San Juan, Batangas.

Isang Christian wedding ang seremonya na dinaluhan ng mga malalapit nilang kaibigan. Nung nag-propose si Mark kay Aicelle bandang March 2018, sinabi naman niya na simple at very intimate lang ang gusto nilang kasalan na dadaluhan ng mga close friends nila.

Ninong din sana ang kaibigan naming si Noel Ferrer, pero hindi rin nakadalo dahil matagal na siyang may naka-schedule na biyahe sa Japan.

Ang dinig ko may isa silang ninong na nagregalo ng honeymoon package sa ibang bansa, pero hindi raw muna nila ito gagamitin dahil back to work muna sila pagkatapos ng kasal.

Congratulations sa bagong kasal!

Cindy at Rhen walang pakialam sa hubaran!

Medyo nawindang kami nang slight pagkatapos naming mapanood ang erotic psychological thriller na Adan ng Viva Films.

Bida rito ang beauty queen na si Cindy Miranda at si Rhen Escano na game na game sa hubaran at mga lesbian love scenes.

Nang hingan kami ng opinyon tungkol sa pelikula, kaagad na tinanong ko sila kung makakapasa ba ito sa MTRCB.

Aba! Binigyan pala ng R16 at konti lang daw ang mga eksenang binawasan.

Pero tiyak na pagpiyestahan ito ng mga kalalakihan dahil wala silang patumanggang naglalaplapan.

Ilang beses ang kissing scenes nilang dalawa na talagang nag-ieskrimahan ang mga dila nila. Wala talaga silang pakialam na nakabuyangyang ang mga malulusog nilang dibdib.

Malayo lang ang shot, pero may frontal scene si Cindy sa may talon.

Sa November 20 na ang showing nito na ito yung klase ng pelikulang hahanapin mo talaga sa internet, dahil sa hindi mo naman ito mapapanood sa TV.

Ibabalik na kaya nina Cindy at Rhen ang bold films?

Ejay wala pang balak pakasalan si Jana

Biyahe ang madalas na bonding nina Ejay Falcon at ng kasintahan niyang dating taga-Starstruck na si Jana Roxas.

Kamakailan lang ay nasa Tokyo, Japan sila kasama rin daw ang pamilya niya.

Bago yan ay nag-Osaka rin daw sila, at iba raw talaga ang bonding kapag nagbibiyahe. “Ang sarap talaga pag nagta-travel lalo na kasama ko rin ang family ko.Lalo mong nakilala ang isang tao na everyday mo nakakasama,” pahayag ni Ejay sa mediacon ng musical film na Damaso na sa November 20 na rin ang showing.

Minsan ay napapag-usapan na raw ang mag-settle down, pero wala pang balak si Ejay na mag-propose kahit natutuwa siya sa mga nababalitaang engagement.

AICELLE SANTOS MARK ZAMBRANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with