Kuwento ng mag-asawang gokongwei parang pelikula
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

Ang sad ng breaking news kahapon. Pumanaw na rin ang misis ng bilyonaryong si Mr. John Gokongwei Jr. 93, na si Mrs. Elizabeth Gokongwei, 85 years old.

Ito ay after a week na sumakabilang-buhay ang bilyonaryo na naging inspiration ng maraming negosyante.

“Our mother, Elizabeth Yu Gokongwei, passed away peacefully on Saturday, November 16, 2019, one week after the death of our father, John Gokongwei, Jr., her husband of 61 years,” ayon sa statement ng pamilya.

Magiging private umano ang wake ng naiwang pamilya ng mag-asawa.

Parang kuwento sa pelikula o drama series ang nangyari sa mag-asawa na 61 years ang naging pagsasama.

Ang JG Summit Holdings ng mga Gokongwei ang isang isa pinaka-malaking negosyo sa bansa kasama na ang mga Cebu Pac, Robinson’s malls at marami pang iba.

Legend ang kuwento sa pag-aaring mall ng mga Gokongwei na diumano’y may kakambal noong ahas na nasa loob ng mall ang isa sa mga anak ni Mr. John na si Ms. Robina Gokongwei-Pe, na pag pumasok ka raw sa fitting room lalo na pag maganda ka, hindi ka na makakalabas. At isa raw sa nabiktima noon si Alice Dixson na recently lang ay ginawa na lang PR campaign para sa nasabing mall.

Sa isang speech pa nga ni Ms. Robina, sinabi niyang ang nasabing snake ang naging source ng kanilang wealth dahil wala naman talagang ganun.

 

GOKONGWEI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with